Buntis po kaya ako? Late po ako ng 5 days.

Hello po, 5 days na po akong naghihintay. Di pa po ako nireregla. Dapat sa May 23 ako magkakaregla at regular na ganun po. Buntis po ba ako? Medyo worried lang kasi 27th of May na po. Sana po may sasagot. Nag do kasi kami ni mister pero naka condom sya. Kasi nagooverthink ako baka napunit po ang condom o ano. 2x kami nag do ng asawa ko sa isang buwan. Please sana po may makapansin. Salamat po :) #advicepls #pleasehelp #pregnancy #worryingmom

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako delayed ng 2 weeks nung first PT ko negative pero nakakaramdam ako ng masakit sa puson non almost a week na bago mag first PT after 4 days na di parin dinadatnan, nag PT ulit ayun positive. Kahit naman regular period mo. Theres a time talaga na nadedelay yung mens nating mga babae due to hormones or other reason.

Magbasa pa
3y ago

Thank you maam. consider ko po mag pt. di ko lang din po kasi alam na possible na may results din talaga kahit nadedelay ng ilang araw lang. salamat po maam :)

better take pt lalo na 1st time mo madelay at may doubt ka kung napunit ba yung condom. ako kasi noon nadelay almost 3weeks kala ko buntis ako, pero delayed lang talga dahil sa puyat, pagod at stress. pwede mo din iconsider kasi yun kung bakit ka nadedelay.

3y ago

salamat po maam. sana nga po nastress lang po ako sa work. Gumamit naman po kami ng contraceptive kaya di ko naman di po masisi sarili ko. pero kung buntis po ako okay, gagawin ang lahat para kay baby :) pero if possible wag na din po muna sana. we are still a building a future for her/him :) thank you maam.

TapFluencer

yes po tama sila PT is the key :) if regular po yung period nyo and first time talaga ever na madelayed, possible po pregnant base po sa mga napagtanungan ko na friends :)

3y ago

yes po maam. salamat po sa inyo :)

Syempre hinde yan kaya ng hula teh. Mag PT ka po para malaman mo. Pede din blood test, pede din ultrasound, pede din pacheck up ka sa OB.

3y ago

aware naman po ako na hindi hula. nagbabase lang po akonsa experiences ng iba. thank you tho :))) your comment is highly appreciated po

ok lang naman ma delayed kung stress ka nakaka delayed lalo yan nag iisip ka lalo. pero kidding aside. mag PT po kayo sure ang sagot.

3y ago

hindi ko nga po alam kung ano Sanhi. Pero possible po kaya yon kahit ilang araw na delayed? may results agad po? i want to be educated since first time ko po kasi ang di madatnan thank you po

Try nyo po mag PT aq nga 24 dapat regla q 25 nag PT na agad aq Positive na agad ang PT 1day pa lng un delay ah..

gamit kapo pt para malaman mo po or punta ka sa ob pra masure if ur preggy

3y ago

noted po. thank you :) aware naman po ako actually, nagwweigh po ako ng desisyon thru sa experiences po ng iba :) first time ko lang po

VIP Member

Mag take na po kayo ng pregnancy test para makasigurado po.

3y ago

Possible po ba yon kahit for example 3 days lang na delayed? pero sige gagawin ko na lang po. di lang din po ako makapaniwala kung possible na may results agad kaya napapatanong po ako :) salamat po

pt ka teh.. kami nga eh 4 times ata sa isang buwan

Nakakatamad magbasa, mag pt ka nalang!

3y ago

nagtatanong naman po ako nang maayos at saka pwede nyo naman pong daanan kung tinatamad po kayo magbasa. wala po kayong alam sa pinagdadaanan ng bawat tao. Always watch your words and your treatment with other people. karma is a bitch.

Related Articles