Hi po gusto ko lang po ishare para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
Hello po, 22 yrs old po ako at ready na po ko magkababy. graduated na po ako ng college at may business po. kasama ko po partner ko sa pagnenegosyo at nakapagpagawa na po kami ng bahay, finishing touch nalang. January 2022 nakunan po ako 10-11 weeks na po sana ako pero kusang inilabas ng katawan ko. grabe yung dugo ko noon, madaming buo ang lumabas sakin tinulungan ako ng byenan ko at partner ko sa pagdala sa akin sa ospital. Hindi po ako niraspa dahil nailabas ko daw po lahat at para hindi daw po mapwersa ang cervix ko. dalawang linggo akong umiiyak kada pagtulog dahil naaalala ko yung sakit at nangyari. August 2022 nalaman kong buntis ulit ako, nagpacheckup agad ako sa OB para mabantayan yung pagbubuntis ko at para hindi maulit yung nangyari noong January. Lahat ng vitamins kumpleto ako at pati pampakapit. Bed rest ako at inaalagaan ako ng partner ko. Pero may spotting akong nararanasan. April 2023 edd ko. September 2022. First ultrasound walang embryo pero maganda ang gestational sac at yolksac, pinaulit saakin ng OB ko dahil walang nakitang embryo. Then, nalaman ko na anembryonic sa 2nd ultrasound ko sa ibang clinic, hindi nadagdagan ng weeks yung AOG ko. Well-formed padin yung gestational sac at okay ang sukat ng yolk sac, pero wala pading embryo. Niresetahan na ako ng pampadugo. Hindi pa namin binili. Ang hirap kasi magdesisyon baka mamaya meron pa. Sobrang sakit. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kanina pa ako iyak ng iyak. Wala naman akong pcos at regular ang mens ko kaso bakit ganito.