Please help

Hi po! 1yo na po ang baby ko at kung anu ano po ang kanyang isinusubo, tsinelas, suklay, zipper ng bag, and alike. Iniisip ko baka kasi sabay sabay ang tubo ng ngipin. kaso ayaw niya ng teether. Ang dumi po ng sinusubo niya eh. Tinry ko po siyang takutin para wag na magsubo kaso, no epek. Saka minsan kapag naiinis siya, sinasampal niya ang ulo niya. Normal po ba yun? Ano po pwede gawin? salamat.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Try mo ilagay sa freezer ung teether para malamig baka sakali magustuhan nya na. Or minsan ginagawa ko bimpo nilalagay ko sa freezer, binabalot ko lng ng plastic, then pag medyo malamig na ibibigay ko na sa kanya. Ibuhol mo lang para pwede nya makagat. Then siguro as much as possible ilayo mo na lang sa kanya ung madudumi na pwede nyang maabot. Kasi 1yo pa lang naman sya so compared sa atin hindi pa nila totally naiintindihan alin ang madumi sa hindi. And explain na lang paulit ulit. Ung pagsampal nya is baka sign of frustration since ung mga gusto nya kagatin is mga pinagbabawal mo naman. Kausapin mo lang mommy.

Magbasa pa