Positive sa PT pero may Blood Clots

Hi po! May 17 po yung PT ko, then may lumabas po sa akin na dugo May 18 ng gabi Till now May 19.....kakapacheck up lang din po namin noong May 17, no gestational sac po sa Ultrasound, thickening of endometrium pa lng po..... Need ko po pa rin ba bumalik sa OB ko? Kasi Regla na po ata to.... this time kasi po talaga yung due ng period ko. April 19 po yung last regla ko last month. #pregnancy #firstbaby #pleasehelp

Positive sa PT pero may Blood Clots
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

punta ka na po sa o.b nyo.. kasi ako bago ako mag pa check up nung araw na yun dinugo muna po ako akala ko magkakaroon ako.. naiiyak ako nun.. agad po ako pina ultrasound ng o.b ko. binigyan nya po ako pampakapit at vit. yun nga lang po open cervix ako kaya bedrest po ako hangga sa manganak na ako.. pero nag spotting po ako simula 1st month hangga sa 4 to 5months po.. na admit din po ako sa hospital nung 6weeks po tummy ko.. kasi tumulo po yung dugo.. ngayon po mag 7months na tummy ko.. sana maka abot po kami hangga aug. 1 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

Magbasa pa
4y ago

Hi Mamsh! Strong yan si Baby 🙏🏻🙏🏻🙏🏻. Nakapagpacheck na po ako today, hoping pa po , kaya binigyan ako ng pampakapit, makapal pa din po kasi yung Endometrium ko, and hindi naman ganon magkalayo sa size noong May 17. Sabi ni Doc, baka mataas lang daw yung hcg ko kaya nagbabawas/niregla ... kinuhanan po ako ng dugo then balik po ako sa Saturday for another blood test. Sana po tumaas 🙏🏻