Depo User for 3yrs Sana may makasagot po sa tanong ko. Pls respect my post po.

Pls Respect my post po..🙏🏼 Im a mom of two kids po, and a depo user for 3yrs and during that 3yrs din ako di nagka regla kaya nag stop po ako this sept3 di na ako nagpaturok and till now wala pa din akong regla 0ct1, tas nag DO kami ni husband at withdrawal. May tendency po ba na mabuntis ako agad? Di pa po kasi ako ready masundan si bunso. 🙏🏼 Sana po may makasagot o maka explain po salamat.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako 4 years mahigit akong nag depo then nag decide kami ng partner ko na itigil ko na kasi tumataba ako, and also never ako ni regla while nasa depo ako pero after ko tumigil nag regla naman ako, tapos gusto na namin ng baby number 2 kaso as in 1 year mahigit walang nabuo akala ko nag ka PCOS na ako kasi merong tendency na kahit nag ka baby kana , pwede ka mag ka roon ng PCOS, so lucky this year nakabuo din 5 weeks preggy , siguro depende din sa hormones po di din kasi pareparehas , may kakilala ako sabay kami tumigil mag pa depo nabuntis agad take note 4 year din siya nag depo.

Magbasa pa
VIP Member

depo rin po gamit ko at kada 2yrs mahigit nag stop ako at active rin kmi ni mister kht withdrawal ayun nakakabuo tlga once stop ka ng inject ..kaya mga anak ko 2yrs ang gap... ngayon pang 4 na baby ko na .. mag vasectomy na rin husband ko pag labas ni baby...ung regla nag stop tlga sya sa depo kaya humihinto rin ako parang di ako comfortable lagi bloated kung ayaw nyo na mag kababy ulet pa vasectomy mo si hubby kung ok sa kanya para kht di ka na mag inject safe kayo..

Magbasa pa

nag stop ka ng depo,hindi nmana kasi agad babalik regla mo niyan agad .dapat inantay mo muna reglahin ka.gumamit dn sana ng condom si mister.mag PT k n lng after weeks kung duda ka po

Yes may tendency na mabuntis ka.

bat po kayo nag stop magpa inject?

5d ago

Long term of depo nakaka decrease ng calcuim , kaya ako advace din ni OB na mag pills kaso malilimutin ako.