Need advice. Open for opinions.
#pleasehelp #advicepls (shortcut ko nalang para di kayo maboring) Ano po ba ang tama at ang dapat kong gawin? Gulong gulo na ako. Out of anger, napalayas ko ang asawa ko kasi uminom last Saturday at hindi nakapasok kinaumagahan eh bago lang sa work. Kahapon, binenta ang cp kasi walang-wala na sya pang allowance at nakikituloy lang din sya sa katrabaho. Sinabi nya sa ate nya na ibebenta ang cp pero papahiramin ko ng keypad phone para may pang alarm man lang. Parang nagalit ang ate nya kasi bakit daw pinalayas ko na tapos papahiramin ko pa ng gamit. Kaya hindi ko rin alam kung tama ba na kausapin ko pa sya after ko palayasin (kasi naaawa pa rin naman ako sa kanya) FYI, hindi lang dahil sa uminom sya kaya ko sya pinalayas. Gusto ko kasing magbago na sya, kasi lagi na lang ganoon ang pinag aawayan namin. Sasabihin magbabago na pero inuulit lang kaya napuno na ako. Tapos mas gusto pang kasama ang tropa kesa sa amin ng anak nya. Mahal ko pa sya pero di ko na alam ang gagawin ko. Sana may makabasa neto at malinawan ang isip ko kase gulong gulo na ako.