81 Replies

ganito mother. idamp mo lang ng gently skin ng baby with lukewarm water. patuyuin maigi damping din then lagyan mo ng calamine lotion or better calmoseptin brand at kapag nawala na yung parang sugat at redness na lang calmoseptin and powder na ang gamitin. Repeat hanggang sa mawala as in mag back to normal then kapag gumaling na ugaliin na time to time icheck kung nagmomoist ba ang skin ng baby ipowder lang to keep it dry, may cornstarch powder nabibili much better gamitin. if hindi naman sensitive regular baby powder is okay na especially yung may cooling effect like Johnson's cooling baby powder or Johnson's cornstarch baby powder kasi it absorbs extra moistures and makes your baby skin dry and fresh. Marami pang ibang brands dyan at if na maintain ang pagaalaga ng maayos ang skin ng baby pwede kahit aling powder ka na magswitch. And hindi lang kasi leeg yan other parts of body na singit singit keep it dry and fresh as much as possible para maprevent. At kapag pinapaliguan ang baby iwash maigi ang mga parts na singit singit lalo na leeg kasi kadalasan ang milk minsan napupunta sa leeg at ilang beses pa nangyayari sa isang araw so many times yan nangyayari di ba so kaya sa bath time dapat priority yan na mailinis ng maigi ang leeg ng baby then i pat dry maigi wag kuskusin then powder. kasi prevention is better than cure.

mommy, nagka ganyan din po si baby ko,pero hindi nga lang po ganyan ka lala. dahil sa wipes na nabili namin,2x lang sya naipunas pero nag react po agad skin ni baby.una akala namin dahil sa pawis lang,pero nag check din kami sa mga harmful chemicals that can be found on baby wipes.ayun po,may 3 harmful chemicals po pala,nasa package paraben free,safe for babies,pero sa list of ingredients po may mga substance na di safe kay baby at possible na mag cause ng malalang sakit sa balat. habang kumukuha pa lang po kami ng sched sa pedia,bumalik po kami sa pag gamit ng bulak at tubig muna then ini-air dry lagi. noong nakapag pa check up na po kami sa pedia, niresetahan na po ng hydrocortisone cream (eczacort) pati po calmoseptine.2x a day yung cream after ma absorb ng balat eczacort naman. pero much better po to go to your pedia para ma check ano po ang mas dapat para kay baby base sa level ng severity ng sugat nya. even po sa baby wash nila, kahit po ang Cetaphil,may phenoxyethanol din po which is harmful sa skin ni baby,kaya dapat po talaga maingay sa baby wash or wipes na gagamitin. wag din po gumamit ng pulbos mommy or any scented products,kahit sa pang laba na damit ni baby.

It has phenoxyethanol and propylene glycol which are very harmful for babies skin

VIP Member

I hate to say this momi pero parang napabayaan naman po yung nangyare kay baby kung namamaga at may amoy na..this could be avoided po kasi kung napapanatiling tuyo ang leeg niya after mag feed or pag pawisan..we cannot just advice any topical remedy here kasi broken skin po yan and the medication used by some of us here may not be suitable..best advice is to bring your baby sa pedia asap..mukhang kailangan niyo rin po ma lecture-an ni pedia for baby care eh..praying for baby's complete healing

hello mommy lumala napo yan talaga po na may amoy lalo nat laging basa yung liig ni baby be sure po na hindi basa mommy baby ko kasi parang choriso din d na makita liig dahil sa taba kaya siniguro ko na hindi mababasa liig singit, braso at hita nung nag pa appointment ako para vaccination niya for Rota virus ni baby napansin nang pedia na na medyu choriso si baby kaya sabi ni doc bilhan ko "Rash Free zinc oxide cream" yun po ginamit ko wala po syang amoy kasi may allergy kasi baby ko mas maigi patingin napo mommy kawawa po si baby masakit po yan mommy

Nagkaganyan din si baby namin nagsimula 3 weeks old sya. Maamoy din dahil sa laging basa ng pawis. Mapula hanggang sa nagstart sya nagkaroon ng parang rash. I keep it dry all the time pero di maiwasan ang pagpapawis nya at dahil sa medyo chubby sya.. Di maiiwasan na di ma. Airdry. My mother in law noticed it. Ginawa nya nya, nagboboil sya ng dahon ng bayabas. Well washed na dahon. Pinapaliguan namin araw araw then ung leeg nya hinuhugasan namin ng warm water from boiled guava leaves. Then rinse with plain warm water. Natuyo rin sya after few days.

VIP Member

hala! mamsh😭 i wont judge you pero sana d nyo na pinaabot pa ng ganyan kawawa si baby :( baby girl ko nung nagstart plang worried na ko naghanap ako pedia ksi bagong lipat kmi d2 kila hubby malayo kmi se centro pina stop ung J&J na baby bath tapus binigyan ako ng gamot na cream at sabon for sensitive skin. Awa ng dyos okay na tska pina check skin dpat daw d mababad sa basa leeg nya, punasan dampi.dampi lng bulak or ung malambot na lampin. hopefully okay na bby mo

VIP Member

sa tingin pa lang halatang matagal na , lumala na kasi , sana before pa lang naagapan na , konti pa lang di na yan mapakali c baby ,paano pa ngayon. jusko. kung di kaya sa pedia. may center,. kung takot ilabas c baby tulad ng ginawa mu pic. mu then pakita mu sa doctor. dito kasi sa center namin , pede di kana pumunta. on-line consultation, pag may need send na pic. ipapa send nila sa messenger . moms , check up muna before posting .

Ang sakit nyan mommy. Kawawa naman si baby dpat po lagi nyo icheck yung mga parts ni baby na hindi nahahanginan like kili kili singit at leeg. Try nyo po calmoseptine and every morning po bulak warm water ipanglinis isabay nyo po twing papaarawan si baby kung hindi kaya dalin sa pedia. Make sure din po na lagi my bimpo si baby pag dedede pra hindi mabasa. Mahapdi yan kaya bka irritable si baby.

Sorry Mommy ha pero kawawa na c Baby,ba't inantay nyo pang magka ganun yung leeg ni baby,mahapdi at sobrang sakit na yan sa baby nyo,dpt sana di na umabot sa ganyang sitwasyun pinakunsulta nyo na sa Pedia nyo,pls lng Mommy punta na kayo agad sa Pedia nyo kasi kawawa na talaga c baby,huwag yung lagyan ng any powder yung leeg ni baby kasi mas lalong lalala yan

VIP Member

Mommy, pa check mo agad kay Pedia para maresetahan ka ng tamang gamot. Kapag ganyan na ka grabe, hindi advisable na mag ask ka lang sa post. Sa doctor na mismo diretso. And kapag po may napansin ka na kay Baby, pinapa check agad kay Pedia yun para di na lumala. Kasi si Baby magsu- suffer. Hope maging okay at gumaling na agad si Baby 😔

Trending na Tanong

Related Articles