Brown discharged to spotting 😢
#pleasehelp #firstbaby Im 9 weeks pregnant, kahapon nagspotting ako. Nagstart sa brown discharge hanggang naging patak patak na ng dugo. Hindi naman ganon kadami pero dahil paranoid ako dahil sa past experience ko nagpadala agad ako sa hospital. Sabi ni ob sa transv nakita naman na okay ang heart beat ni baby pero dahil nga may bleeding ako nagbabadya daw yung miscarriage kaya ang sinabi nya sakin is complete bedrest and may tinatake lang ako na gamot na pampakapit. Last year nagkamiscarriage ako 9 weeks din nung nawala nun ang baby ko kaya sobra ang pag aalala ko ngayon. Napapraning ako everytime na naiisip ko at hindi ko na naiiwasan yung bigla nalang naiiyak. May paraan ba o ways para malaman natin na okay lang si baby sa tummy natin kahit nasa bahay lang tayo mga mommy? Please help me.#firstbaby