Paano pong mabagal? Kung sa tiyan po kayo magbebased, may iba po talaga na maliit magbuntis dahil payat. Maliit ang tiyan kasi flat tummy bago mabuntis. Merong malaki magbuntis kasi mababyfats na sila bago pa mabuntis kaya madali makita ang bumps. Pero pagdating sa ultrasound ay tama naman ang sukat ni baby based sa kung ilang weeks na po sya ngayon or based sa LMP, nothing to worry po kahit mukhang maliit ang tiyan nyo po ngayon. Pero kung halimbawang 20 weeks na sya ngayon based sa LMP, pero ang sukat nya sa ultrasound ay pang 15-16 weeks lang, much better na magconsult sa OB para sa tamang procedure or kung need ba ng medication para maging tama ang laki ni baby sa loob. ☺️
Anonymous