Thank you Lord nakaraos na kami ❤
Please meet my baby girl Ameeliah Grail O. Maghuyop. EDD: FEB 17, 2021 DOB: FEB 3, 2021 VIA SCHEDULED CS Pinangarap ko mag normal kaya lang hindi pwede dahil transverse si baby and low lying placenta ko so wala kami choice kundi CS talaga. Simula 1st trimester dami namin napagdaanan ni baby dahil sa di matapos tapos na UTI ko, tapos nung 6 mos na tyan ko nag pre-term labor pa ko, halos labas pasok kami sa ospital pagtungtong ko ng 3rd trimester. Pero napakabuti ni Lord dahil di nya kami pinabayaan. Kat halos whole pregnancy ko bed rest ako dahil lagi ako nagsspotting o kaya dinudugo still pinanatili nya kaming safe ni baby. Kaya mga momsh dasal lang kaya nyo yan. Makakaraos din kayo. Hugs!! ❤❤❤❤❤#firstbaby
Preggers