I caught my husband video taping my sister while taking shower

Please help me. Ano gagawin ko po? Isang beses lng nya ni record pero dinelete nya agad. Nakita ko lang sa trash bin ng gallery nya. Di ko alam ano nararamdaman ko ngayon. Gusto ko umiyak pero di ko makaiyak. Please ano gagawin ko? #advicepls #pleasehelp

53 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Grabe sumikip dibdib ko sa nabasa ko. Tama yung mga commentors na ihiwalay mo sister mo kung hindi mo kayang hiwalayan husband mo. May parents pa po ba kayo? Doon sana. If wala, there's just no other way around it, at kailangan malaman ng sister mo. Kung matured na siya at nakakaintindi na, kailangan mong ipa-intindi na yung paguusapan at sasabihin mo dapat manatiling sainyong dalawang magkapatid lang. Pwede mong sabihin ng pasegway ng hindi nirereveal kung ano exactly ginawa ng husband mo. Like sabihin mo: May nangyari. I can't trust my husband. You're not safe with him. Hindi kapatid ang tingin niya sayo. And I need to PROTECT you. Kaya kailangan kitang ihiwalay ng bahay. Dapat hindi malaman ng husband mo saan nakatira si sister mo, dahil hindi na siya mapagkakatiwalaan. And then kausapin mo husband mo, katulad sa sister mo sabihin mo sa husband mo: Dahil sa nangyari. Hindi na kita mapagkakatiwalaan. Hindi safe ang kapatid ko sayo. Hindi kapatid ang tingin mo sakaniya, kahit in law. Kailangan ko siyang protektahan mula sayo kaya ihihiwalay ko na siya ng bahay. Kailangan ma-REAL TALK ng husband mo dahil hindi normal yung ginawa niya. Pang maniac na gawain yun, kailangan niyang magsisi at magbalik loob sa Diyos at higit sa lahat kailangan niya professional help.

Magbasa pa
1y ago

Tama po wag nyo pong hayaan na iba pa mangyare At first pa lang na nakita mo gawan mo na po ng askyon 👍👍

VIP Member

Dapat po talaga nakabukod ang magasawa. Kung may iba pa kayong kapatid na mga single sila na po ang magsama-sama sa iisang bahay. Kung may mga all girls dorm, ipa-dorm mo na lang kapatid mo. Yun po talaga ang ideal. Mahiwalay po ang kapatid mong babae. Yun po ang dapat mangyari. Kung hindi pa pwede ngayon, kailangan magADJUST lahat. Hindi pwede maiiwan magisa ang kapatid mo at asawa mo. Bawal sila magkalapit. Kung maari wag na rin sila magusap kung hindi ka kasali. Yung pananamit, dapat hindi na maikli or spaghetti si sister. Dapat may sariling kwarto at lock ang kwarto ng kapatid mo. Dapat secured ang CR. Pero sa totoo lang hindi na talaga pwede na magkasama-sama pa kayo sa iisang bubong. Hindi mo kasi masasabing hindi na mauulit, at hindi mo alam kung ano tumatakbo sa puso't isipan ng tao kahit gaano pa kayo katagal magkasama or kaht magasawa kayo, hindi mo nga inakala vi-videohan niya sister mo. Iiwas mo si mister sa tukso at si sister sa kapahamakan.

Magbasa pa

WTF! Nakakanginig ng laman yang asawa mo Mi triggered ako. Sorry Mi pero manyak yan. And will always be. ISANG MALAKING RED FLAG 🚩!! Please save your sanity. Hiwalayan mo na yan Mi, napaka bastos! Idadahilan pa nya na hindi mo kasi sya pinagbibigyan?!?!? So vivideohan na lang nya kapatid mo at ano tska sya magsasarile gamit yun video???!?! ANONG KLASENG RASON YAN?!? Napaka manyak!! Isang beses “LANG”?!? That’s already enough para hiwalayan yang gago na yan!! Gusto kitang i-save Mi naaawa ako sayo at sa mga anak nyo 😤😭 Di ka sure kung yan lang ba nagawa nyan, baka marami na. Nagkataon lang na nahuli mo sya ngayon. PLEASE NAGMAMAKAAWA AKO SAYO. Ngayon pa lang mag isip ka na. Magsabi ka sa pamilya mo para maprotektahan kayo ng mga anak mo, at kaptid mo. Sa totoo lang nangingilid luha ko habang tinatype to, hindi ko maimagine na pagdaanan yan. I feel really sorry for you 😭 Please.

Magbasa pa
1y ago

Sis ang galing mo mag comment!..nakuha mo lahat ng gusto ko din sabihin! Para naman sayo mi, makinig ka sana and matauhan. Wala akong ibang makita na pwede mo gawin kundi hiwalayan yung asawa mo. Ang important lang sa kanya ay ang urges niya, walang "one time lang" sa ganyang case. Sorry pero kailangan mo maging brave and do what is right.

grabe naman yang mister mo. napaka Libog!! 2 lang yan, either lalayo kayo sa kapatid mo, or yung mister mo ang paalisin mo. napaka Nakakakulo ng dugo yang partner mo. yung kakilala ko, nakitira yung kapatid nyang babae sa kanila. ayon, naging kabit ng asawa nya 🤦. nagsama sama sila sa iisang bahay. parehas silang may anak ng kapatid nya sa iisang lalaki!! kaya sinasabi ko sayo magisip isip ka. anyway, hiwalay na si kabit sa asawa nung kakilala ko. yun nga lang, may anak sila nakakaawa ang bata. tito nya, tatay nya 🤦. share ko lang naalala ko kase dito bigla sa sinabi mo. nagumpisa lang daw yon sa pasulyap sulyap ni Boy. hanggang vinevideo na sa paliligo. eh nainlove si babae sa bayaw, pinatulan kahit masaktan ang kapatid nya 🙈.

Magbasa pa

same situation mi 😭 ngyri po ung gnyan situation smin last yr..una kopong ginawa inaway kopo ang husband ko ksi di kopo mtanggap na magagawa nya un sa sister ko..nung mejo kalmado npo nag usap po kmi ng masinsinan..pero that tym di ko prin po mtanggap mahal kopo sila pareho..nagmakaawa sakin ang husband ko na patawarin sya at di na raw uulitin..pero nagdesisyon ako na humiwalay kmi ng bahay kesa kming dalawa ang maghiwalay..as of now, happily married po kmi and magkakaanak na mas better po tlga na once nag asawa na bumukod na agd pra maiwasan ang mga gnitong pngyyri..wala po ako pinagsisisihan sa ngng desisyon ko pinagpasaDiyos ko nlng po lahat....pray lng po malalampasan nyo dn po yan..

Magbasa pa

Gawin mo sis kung ayaw mong makipag hiwalay sa kanya yung kapatid mo ang ihiwalay mo sainyo once nya ng nagawa pwedeng maulit yan or else mas malala pa. Pag isipan mong mabuti and ilayo layo mo kapatid mo. Kawawa naman walang kaalam alam. And hindi rason yung dimo napag bibigyan dapat alam nya na nasa healing process ka ng panganganak mo red flag yan. Dapat iniintindi ka nyan, inaasikaso at inaalagaan, kung mahal ka nyan di nya gagawin yan and take note hindi iyon reason. 😊 Like sa asawa ko 2weeks nakong galing sa panganganak inaalagaan nya kame ng 4kids namin and naiintinidihan nya naman na bawal pa. Dapat ganern.

Magbasa pa
1y ago

The truth will set you free sis. 😊 Mapapanatag ka pag sinabi mo yung totoo I mean wala ng babagabag sayo.

Manyakis husband mo, malamang babaero din yan. Nahuli ko dati bro in law ko na binobosohan ako nung naliligo ako. More than 10 years ago na to. Student pa lang ako non. Hinipuan nya na rin ako. Lagi sya nagpapakita ng ari sakin. Hinahalukay nya mga used underwear ko sa labada. Di ko masabi sa sis ko kasi ayoko sya masaktan. Ayun, until now babaero pa rin sya at manyakis. One time inask nya ko ano gagawin nya kasi nahuli nyang may babae. Sabi ko hiwalayan mo na. Miserbale buhay ng kapatid ko kasi ayaw nya pa hiwalayan. Parang mababaliw na pero mahal nya yung manyakis nyang asawa.

Magbasa pa

Luh? 😐 may anak po ba kayong dalawa? alam mo bilang isang lalaki hindi na maganda takbo ng isip niya. nung wala pa akong asawa nagka boyfriend ako halos sa bahay na siya tumira tiwala mama ko sakanya. pero minolestiya niya kapatid kong babae that year 12yrs old palang kapatid ko. ang ginawa ng mama ko sakanya sinampahan niya ng kaso. iba na trip ng asawa mo kung ganun may pagka maniac na siya at pagnanasa sa kapatid mo pa talaga. if wala kayong anak mas maganda na hiwalayan mo siya. kung ayaw mo naman makipag hiwalay kumprontahin mo ang asawa mo sa ginawa niya.

Magbasa pa
1y ago

Pero alam mo mi, if kaya niya magnasa sa kapatid mo pano pa kaya sa ibang babae? baka sa susunod mahuli muna siya mambabae. and ilayo mo sakanya ang kapatid mo bago pa may mangyari na hindi maganda.

KUNG AKO SAYO HIWALAYAN MO NA AT IREPORT MO SA POLICE NG MAGTINO ASAWA MO MAY KASO SYA JAN AT WAG MO TOLERATE GAWAIN NYA DIKA DAPAT MAGULUHAN ALAM MO DAPAT MONG GAWIN KAPATID MO YAN ANG ASAWA PDENG PALITAN AT DI NA DAPAT NYA MAGAWA YAN SA ANAK NYO O SA IBA PANG BABAE MANYAKIS ASAWA MO IPAKULONG MO YAN GAGO YAN WALANG RESPETO SA BABAE AT SAYO NAKAKAGIGIL KUNG AKO YAN BINANATAN KO YAN IPAPAKULONG KO PA KASE KAPATID KO ANG PINAGNASAAN NYA DEMONYO ASAWA MO TANDAAN MO YAN DI SYA MAGANDANG MAGING TATAY NG MGA ANAK MO DEMONYO YANG ASAWA MO

Magbasa pa

Better to confront him po with evidence. Dapat my pic ka nung nasa trashbin niya or video mo po. You have to protect your sister mommy, kahit sobrang mahal mo pa asawa mo. Baka later on if mgkaanak kayo ng girl baka gawin rin sakanya pero wag naman sana. You can never satisfy that kind of hunger. Pray ka po for wisdom and strength narin. Alam ko gaano kahirap to for you but pls wag mo po isawalang bahala.

Magbasa pa