Blood Sugar during pregnancy

Permission to post po admin. πŸ™ Hello po, ask ko lang po and hingi na rin po ako advice and tips as a first time mom po. 😊 Anu-ano pong mga healthy foods & drinks ang mga kinain or kinakain nyo po bukod sa fruits and veggies para mas maintain ang blood sugar sa average level at hindi na po tumaas pa especially during pregnancy? Any suggestions rin po sa replacement sa rice, sobrang helpful po talaga sa akin. 7mos pregnant na po ako at bumalik na po ang appetite ko lalo na sa rice. πŸ˜… Nag 94.5 po ako sa ogtt ko kaya pinagda-diet na po ako ngayon ni OB and pinagle-less sa rice. πŸ˜… Thank you po and God Bless. πŸ™

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naka diet din and nag momonitor din ako ng sugar, mataas din sugar ko sa OGTT. Iwas ka muna sa fruits, more on veggies muna. Kung kakain ka man ng fruit konti lang, like half lang ng mangga or half lang ng saging. Sa veggies naman anything na leafy is good. Nagmomonitor ka din ba ng sugar at home? If yes, ilista mo din kung ano yung mga kinain mo kapag nagspike yung sugar mo, and then iwas ka muna dun. For me, napansin tumataas sugar ko kapag overly processed or preserved yung food, like canned food. Replacement sa rice are oats, quinoa, corn, and granola. Fighting tayo, mommy! ☺️

Magbasa pa

thank you po sa mga advice at tips po ninyo. God Bless po. 😊 Lalaban at kakayanin lahat para kay baby. hehe. Maraming salamat po ulit. πŸ™

less rice, more on green leafy veggies, iwas sa mtatamis na prutas like pinya, grapes, mangga, iwas din sa Asin maaalat na pagkain

Related Articles