Pede ba mag ipon kapag buntis
Pede poba mag ipon kapag buntis o pede ba mag alkansya kapag buntis?
pwede po kase ginawa ko na po yan.nag ipon ako sa alkansya since 4months palang tyan ko hanggang ngayon nag iipon pa din ako sa awa ng diyos wala naman pong nangyaring masama sakin.9 months na po ako ngayon araw nalang hinihintay at normal naman po lahat sakin๐.
pwede po, ako nga po nag open ng savings account nung time na buntis pa ko kay lo ko.. nung time na nagipit ako, kasi nag strike yung pandemic, nagamit ko yung ipon ko sa kanya.. naitawid namin ni baby yung pandemic ๐๐๐
oo naman. sinong makating dila naman nang galing na bawal mag ipon ang buntis? akin na at ibabaon ko sa lupa
Pag di ka nag ipon, wala kang gagamitin pang paanak. Wag ka nag papaniwalansa mga matatanda na yan, patay na yung mga nagpauso niyan haha
bakit naman hindi? mas maganda may ipon kasi mahal ngayon magkaanak... mas nakakatakot kung walang datung ang magulang๐
kailan naging masama ang pag iipon? is this another myth? please paki check din yung sense ng mga sabi-sabi ha.
Myth lang po yan, lahat naman need mag ipon on their own ways para makapag ready financially
yes po .maganda ngapo mag ipon habang buntis para pag labad ni baby may madudukot tayo sa oras kagipitan
Yes okay lang mas mahirap nga walang ipon e hehe. Lagyan mo nalang din po ng Label sa pag iipunan mo. :)
jusmiyo. ano bang klaseng tanong yan hayyy nakakastress magbasa sa app na to andaming shunga