Sensitive Skin :(

May pareho din pa dito na mamshies na masyadong naging sensitive ung skin nyu nung buntis kayo? sa akin ganito na ung naging legs ko. kamot every minute kasi mostly sa paa ko talaga.. anong nilagay nyu dito mga mamsh para mawala ung mga black na ito. Para daw akong dalmatian sabi ni Hubby. anong pwedeng cream o lotion na effective dito baka may ginagamit or alam po kayo mga mamsh.. Huhuhu

Sensitive Skin :(
31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sobrang sensitive ng balat ko nung nagbuntis ako. nagdove sensitive soap ako tapos nivea 24 hour hydratibg lotion. as in grabe kati ng katawan ko na halos every 2 days nainom ako ng pang allergies na gamot. but try talking to your ob as well. kasi kakilala ko apas ang reason kaya nagng sensitive skin.

Magbasa pa

nagkaganyan din ako sis nung pinagbbuntis ko yun 2nd baby ko 6months tyan ko nun sa mukha, braso,at buong binti nagkaraon ako nyan hinayaan ko nalang after ko manganak mga 3months nawala nmn yung mga peklat na maiitim sbi kase ng ob ko nun singaw lang daw ng pag bbuntis ko yun πŸ™‚

same here moms, sa paa din konting kamot lang ngsusugat diko naman mapigilan meron nadin sa tyan neto lang sobrang kati πŸ₯Ί bb girl pinag bubuntis ko d naman ako ganto sa 2 kong junakis same boy sila mukang ngayon lang ako magkaka stretch mark

merun din po ako nyan. 2nd trimester nun lumabas. sobrang kati. pantal2 sa legs. now po nnganak n ako bb boy nabawasan n peklat n ung iba though nangangati Pa din po ako safeguard white Lang gamit ko po

Magbasa pa
VIP Member

Puppp po tawag dyan. Sabi ng ob ko nun, singaw daw katawan natin yun and normally sa mga preggy na baby boy daw lumalabas yung ganyan. huwag daw po kamutin kasi lalong dadami.

Hi, Kim! We strongly suggest that you visit and talk to your doctor to know more information and to receive the best recommendation that is specific to your family's needs.

Same din pabalik balik lalo na pgnagpawis sobrang kati Sa mga tatlong pinagbuntis ko noon puro bby girl d nman ako ngkaganyan now lng n bby boy na pinagbubuntis ko

hello, nagkaganyan din ako nung 7 to 9 months ko sa tiyan ko pa hanggang sa paa. Lotion na ginagamit ko yung may Aloe Vera and sabon gamit ko yung dove na shea butter

luh ganyan din legs ko dami na peklat maitim pa..first trimester ko kasi panay kamot ako parang pakiramdam ko lagi may nangangagat.

ganyan din po ako, pag manganak ka mawawala din yan, karamihan nagkakaganyan pag bb boy,