siguro po tense kayo habang karga si baby, nararamdaman din po kasi ni baby yun, dapat po relax lang po kayo, at kausapin po siya. in terms po sa BM, di po lahat ng iyak ni baby meaning e gutom po or di nabubusog, check po diaper, baka may wiwi at poop din po, or kabag po, may hangin sa tiyan ni baby, try po ninyo yung ILU massage at bicycle massage po of gassy po si baby, try din po isayaw po, wala naman po mawawala, at pag sinabi po nila masasanay si baby, hayaan niyo lang po, di bale ng masanay kesa maririnig mo anak mong umiiyak, pinaka kailangan po nila sa stage na to ay cuddle, kaya wala po masama if karga lagi si LO π
pareho tayo pag iba kumakarga tigil agad. Tapos sinasabihan din ako na baka daw hindi nabubusog sa breastmilk ko. konti lang kasi nappump ko nakikita nila at pag nagllatch naman siya sa sakin di ko din alam kung enough ba yung nadedede niya. minsan gusto ko na sumagot sa mga matatanda na kayo ba pano niyo nalaman na madami kayong gatas noon eh wala nga kayong pambili ng pump dati. I'm sure padede lang din kayo ng padede di niyo naman alam kung madami lumalabas. hahaha imbis kasi emotional support ginagawa nila eh puro pamumuna nakaka down at bigla nalang din ako naiiyak minsan.
Sakin po naiyak din baby kasi alam nyang ako ang nanay nya at gusto nya dumede. Pag sa Mil ko binibigyan ko lang sya ng bm na napapadede sa bote, mas mabilis tumahan sakanila kasi alam nyang hanggang don lang ibibigay nila. Ipalatch mo lang ang baby mo sayo kapag naiyak, lalakas pa yang milk mo, sakin nga dati konti lang nalabas hanggang sa tumagal nasirit na gatas ko, going two mos na baby ko. Ipalatch mo lang sayo at taingang kawali ka lang dyan sa parents mo, iniistress ka lang nyang mga yan.
pareho tayo mii ganyan din baby ko minsan, nagtatampo na nga ako at nagtatanong sa mister ko kung ano ba mali baka may mali sa way ko ng lag buhat or what. pero wala talaga umiyak lang talaga sya pag ako mag karga. sabi ng mama ko maghapon daw kase na ako nagaalaga sakanya kayabnaghahanap ng iba bored kumbaga. may nagsasabi naman na comfortable lang talaga si lo ko umiyak sakin. baka ganun din sayo sis
pareho tau ng sitwasyon mamsh... pag pinadede ko tska lng tatahan kya snsbhan ako na lagi nlng ako nagpapadede kapag umiiyak kht ndi gutom... tas mas gusto pa ata ni baby sa parents ng partner ko kesa sa akin... prang gabi ko nga lng nahahawakan ng matagal baby ko kase sila nagbbuhat maghapon kht na nattulog sa akin kkunin pdn nila pra buhatin... π
same din, nunh unang mga week naiyak si baby ko pag buhat ko. pero nung ako lagi nag babantay sa kanya nasanay na siguro kaya un di na naiyak. just trust the process ikaw ang mommy nya so eventually pag nag tagal masasanay na din sya βΊοΈ
naramdaman ko dn yan mie.. wla kc ako gatas at d sya nadede sakin kya feeling ko d sya attach skin.. formula gatas nya ngayon hina kc ng gatas ko