K A S A L A N A N
Para ito sa mommy na gusto ipalaglag baby niya. Tanga Lang te? Gigil Mo din ako eh. Di Kase ako maka reply sa o Maka comment sa rant Mo eh Kaya Dito nalang, pasensya na medyo mahaba din Ito. Isa ako Sa mga nag comment Sa dati mong post. Alam Mo ate share ko Lang ha? 19 years old ako nung nabuntis ako , napaka hirap. Pinalayas ako Kaya wala akong choice kundi tumira sa bf ko. Akala ko maganda buhay ko Doon Kase nga ang Alam ko mahal niya ako. Yun pala simula pala Yun ng impyerno na buhay ko. Ginugutom niya ako, binubugbog, Dami Kong sugat noon. Pinupokpok Plato niya sa ulo ko. Iyak ako Ng iyak na truama ako. Para makakain ako nangungutang Lang ako Sa kapitbahay namin. Madalas madaling araw umuuwi bf ko at lasing pa!! Kung mamalasin man umaga na! Pag Hindi siya aalis aawayin niya ako. Bugbog sarado abot ko Sa kanya. Ni minsan di ko inisip na ilaglag baby ko, inisip ko noon pag labas Ni baby Hindi niya maranasan ang impyerno na buhay ko. Pero saglit ko Lang naramdaman maging Ina 5 months siya namatay siya. Di niya kinaya ang sakit. Pag Kasi na Sa tiyan pa Si baby tapos palagi kayong sad magkaroon Ng sakit Si baby pag labas. 1 year ako nag luksa, iyak ako Ng iyak. Di ako makakain di ako makatulog. Pinabalik ako Ng parents ko dahil naawa sila. Tinulangan Nila akong bumangon. Tinulangan Nila akong mag simula ulit. Nag Aral ako ulit at Yung bf ko nakulong dahil sa bisyo niya. God is good all the time. I know God has a better plan for me. Ngayon 24 na ako at happily married at mag ka baby narin. Kaya ikaw ate kapit Kalang Kay God. Dasal Lang te . Laban Lang! Wag kang Mahina! May plan Si God sayo . Kung nakaya ko Sana makaya Mo Rin! Ipakulong mo bf Mo Gaya Ng Sa akin , minsan kase lakasan loob natin para narin Sa baby natin. God bless sayo sana maging malakas ka. Hello Sa mga mommy na may ganyan ding kwento Gaya ko. Laban Lang no? Haha❤️