Just Share My Experience

Para ito sa mga mommies diyan na kagaya ko na kahit buntis hala sige pa din ang asikaso sa bahay, last week sobrang nanigas yung tiyan ko as in every 2 mins. Naninigas siya na parang sasabog na, tumawag ako sa Dra. Ko and sinabi ko sakaniya yung nararamdaman ko peo that time naghanda na kami kasi we taught manganganak na ako na akala ko din kasi base sa LMP ko 9 months na ako, pero nung tumawag ako sa OB ko she said na hindi pa pwede kasi 32 weeks pa lang ako, so dumiretso na ako sa E. R ng Ace Medical Center, pagkapunta namin dun nag I. E na yung doctor in charge sakin and she said nasa 3cm na ko which is kailangan talaga mapigilan so na confine ako ng almost 2 days, but thanks to GOD pinalakas niya yung baby ko and thank you din kay baby dahil hindi niya masyadong pinahirapan si mama niya. Advice ko lang sa mga kapwa ko first time nanay diyan and medyo maselan ang pagbubuntis wag po masyadong magkikikilos like ko na lagi akong naglalampaso ng bahay naghuhugas and nagluluto buti na lang andiyan si hubby na tumutulong sakin, sa mga mommies diyan hinay hinay sa mga kilos mommy maganda din naman na kumikilos kasi hindi magkakamanas na kinaganda naman sakin kasi hindi talaga ako minanas kahit road to 9 months na, ingat ingat tayo mga mommies ?

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply