paano tanggalin yung sa ulo ng baby na parang balakubak
Pano pa iba nyo ginagawa pagtanggal ng nasa ulo ng baby na parang balakubak. Except sa baby oil with bulak, di kasi masyadong natatanggal sobrang kapal ng buhok nya. thankkss #firsttimemom
Gumamit ka po ng silicon scalp brush kapag shinashampoohan si Baby. Anlawan maigi ang buhok/ulo ni Baby kapag naligo. Kung makapal yung craddle cap nya, pede pong pahidan ng eczacort/hydrocortisone cream. Nabibili po yun kahit walang reseta pero reco yan ng pedia ng baby ko. But you can ask your pedia din po kung ano reco nya or kung ayos lang din ba na magpahid ka ng ganyan sa baby mo para sure po.
Magbasa paMassage and kuskusin mo ng gentle lang ang ulo ni baby mii kapag pinapapaliguan mo. Better banlawan ng mabuti after shampoo. Unti unti lang po yan mawawala, ganyan din kasi sa baby ko. Lagpas na 1 month bago nawala though meron pang unting spot na natira. Sobrang kapal din ng buhok ng baby ko.
patakan mo ng gatas mo mii then gently rub with cotton. gawin mo po yan bago sya maligo, shampoohin mo po tapos banlawan maigi. mas maganda pa yan sa baby oil mii promise. ganyan ginawa ko kay lo ko nung nagka balakubak sya, ayun natanggal naman agad.
try mo yung yellow na johnsons baby oil mii, or any oil will do. mas effective lang kasi sakin yung js na yellow. ibabad mo sa ulo ni baby ng 30mins bago maligo. tapos pag napaliguan na po i soft brush niyo po.