Hi, same tayo ng situation. Almost 7 months ko na nalaman na buntis ako, akala ko nag aacid reflux lang ako. Naka ilang balik ako sa dr at naka ilang inom ng antibiotics kasi ako akala ko acid lang talaga na pabalik balik, umiinom ako like mga hard liquor talaga then ako at nag tratravel gamit ang motor. Di kasi malaki tyan ko then busy ako sa work kaya di ko namalayan. Then i realised na parang antagal na na hindi ako dinadatnan so nag pt ako, after naging positive ang results nagpa check up ako agad, good thing na okay si baby kaso ang liit daw ng tyan ko. Then nung nanganak nako, it turned out na malaki si baby at nagulat ang mga dr kasi saan daw siya nagtatago, then lumiit agad tyan ko kasi baby daw lahat ang laman. Pa check up lang agad mommy at uminom ng maraming tubig, kumain ng prutas at gulay, at uminom ng maternal milk. Bawiin mo talaga ang months na di mo alam na buntis ka, use your remaining months to take care yourself talaga. At hanggang ngayon super health ni baby malaki siya sa kanyang age sabi ng pedia.
Magbasa pa