28 Replies
Hi momshie. Kumusta ka po? Nakapagpacheckup ka na ba? Pacheckup ka na agad ha. Well, base sa experience ko, regular cycle ako. Last year last mens ko was Oct., by Nov. spotting lang tapos hindi ko masyado pinansin pero umaaray na talaga ako sa sobrang sakit ng breasts ko. By Dec. wala pa rin mens so nagpt na ako pero negative. Sabi ko cge by January ulit pag wala pa rin, nagpt ako still negative. Nakarami na ko ng pt kaloka ni faint line wala. By Feb. aba negative pa rin. So kinabahan ako kasi nasa isip ko baka may malala na akong sakit (nasa isip ko nga baka may breast cancer na ako) so hanap ako ng ob na hindi sa hospital kasi need pa dun ng swab result. So ayun, early March nagpacheckup na ko at ayun, confirmed via transv na 20 weeks preggy nga ako. At dun plng umumbok yung tyan ko kasi pinahiga ako at nilagyan ng unan sa likod bandang balakang. Marami rin akong nagawa, like uminom ako once, nakabyahe pa ko ng ilang beses, twice ako nagpableach ng buhok at thrice nagpakulay. Ang hindi ko lang nagawa is yung uminom ng kung ano anong gamot kasi hindi ako sanay na konting sakit inom ng gamot. Ang anxiety ko after kong malaman na buntis ako grabe, ang dami pang problema sa pagbubuntis ko like gdm, low lying placenta, anemic, uti. So ang ginawa ko sinunod ko lahat ng bilin at reseta ni ob including lahat ng lab at ultrasounds. Thankful naman ako dahil naovercome ko lahat ng problems, nainormal ko siya sa lying in. Healthy baby boy siya and now 3 months old na siya. Pacheckup ka na agad momsh para macatch up vitamins and lab tests. Pagpray mo lang na sana maging healthy baby mo. Wag pasaway at sundin lahat ng bilin ni ob ok?βΊοΈ
Hi, same tayo ng situation. Almost 7 months ko na nalaman na buntis ako, akala ko nag aacid reflux lang ako. Naka ilang balik ako sa dr at naka ilang inom ng antibiotics kasi ako akala ko acid lang talaga na pabalik balik, umiinom ako like mga hard liquor talaga then ako at nag tratravel gamit ang motor. Di kasi malaki tyan ko then busy ako sa work kaya di ko namalayan. Then i realised na parang antagal na na hindi ako dinadatnan so nag pt ako, after naging positive ang results nagpa check up ako agad, good thing na okay si baby kaso ang liit daw ng tyan ko. Then nung nanganak nako, it turned out na malaki si baby at nagulat ang mga dr kasi saan daw siya nagtatago, then lumiit agad tyan ko kasi baby daw lahat ang laman. Pa check up lang agad mommy at uminom ng maraming tubig, kumain ng prutas at gulay, at uminom ng maternal milk. Bawiin mo talaga ang months na di mo alam na buntis ka, use your remaining months to take care yourself talaga. At hanggang ngayon super health ni baby malaki siya sa kanyang age sabi ng pedia.
Wag naman po kayong judgmental kay OP. Ako nga po kahit maaga ko nalaman na buntis na pala ako within that 6 weeks na hindi ko pa alam na buntis ako, nagiiinom din naman ako at panay banat ng buto kasi nature ng trabaho ko yun. Kung ano anong gamot din ang nainom ko at panay puyat din ako. Lahat nagbago nung nalaman ko na buntis ako. Kahit alam ko nang buntis ako noon, hindi po agad lumaki tiyan ko kaya nagtataka mga kapit-bahay namin bakit may baby na kami. 5 months po maliit pa lang tiyan ko noon 7 months po siya biglaang lumaki. Kung willing naman pong magbagong buhay si OP, wag naman po nating ijudge.
imposible dimo alam na buntis ka eh 6months malaki na ang tiyan pano dimo malalaman yun? dika manlang nabahala eh kahit 3 to 5 months halata na ang tiyan. pinaabot mo ng ganyan,dika manlang nag isip na kaaawa awa ang sasapitin ng bata dahil sa kaggawan mo.. tsk. mami ipakonsulta mo at sabhin mo na yan ang pinag ggawa mo dahil ang bata ang maghhirap sa huli pero hiling ko ay wag naman sana. naway kaawaan lang sana ang anak mo. dahil mahirap makitang nahihirapan ang bata lalo kapag isa ka nang ina.
truth. dati ako, twice a year lang nag mens, at mataba din ako. so hindi halata kung buntis o hindi. kung alam nya namam, siguro, di sya gagawa ng ganyan. possible, may pcos. ganon. kaya nga sya nag tatanong ngayon, kasi ngayon, aware na sya. anyway, for the mommy asking, consult po sa ob mommy. tapos request ng ultrasound. para mamonitor ai baby.
imposibleng di mo namalayan. sa 1st trimester palang, andami nang sintomas na maglalabasan, pinaka highlights jan e ung wala kang regla ng ilang months plus sensitive pangamoy mo. I'm sure you'll notice that. ma umbok na din tyan sa 6 months. what you did could cause fetal risk. isa sa case e maging ngongo ang bata ( acc. sa nabasa ko sa libro). better magpa check up ka para magawan ng paraan yan. kawawa po ung baby.
same here mommy, from my first born hanggang dito sa second pregnancy ko wala akong mga symptoms like morning sickness.. magkaiba din gender ng baby ko. my last menstruation was March 1-4 at nung nag April nahome quarantine ako at di pa ako dinatnan so after my quarantine nagdecide akong magpatingin sa OB at dun namin naconfirm na preggy na ako. Madalas po kapag di regular ang menstruation dun po tayo nalilito kung buntis ba or hindi..
that's impossible po. delayed ka for almost months tapos di mo pa rin mapapansin na buntis ka? plus the symptoms. ako 3 months na tiyan ko before ko nalaman na preggy pala ako pero nakukutuban ko na buntis talaga ako. tsaka dapat nagpacheck up ka. delikado yan kasi first trimester ang pinakamahalaga. kailangan may mga naiinom ka ng vitamins dyan. magpacheck up ka na, ASAP
mahirap talaga pag irregular period hindi mo malaman agad kung buntis ka ba or sadyang walang kang mens or delayed ka na naman, based sa experience ko wala naman ngyari sa dalawang baby ko na late ko na din nalaman buntis. basta pag nalaman mo na buntis ka magpa regular check up ka na sa obgyne para maalagaan kayo agad ni babyπ
1st baby ko nainuman ko ng alak kasi nga di ko dn ala na buntis ako pero wala pang 1mos yun nalaman ko na buntis ako at ng nlmn ko stop ko na ganun din sa 2nd baby ko now 14weeks and 3days preggy ako sa 2nd baby ko... sa awa ng dyos yubg 1st baby ko wala nmn masamang nakuha sa knya dahil sa alak kasi maaga pa lng tigil na agad
Ano pwede mangyari: Pwedeng low birth weight Pre-term birth Birth defect Pero pwede rin na healthy pa rin ang baby Kung gusto mo ipa consult sa doctor for possible anomalies, mag recommend sila ng appropriate tests for you. Pero regardless sa resulta, wala naman choice sa Pilipinas but continue ang pregnancy
Risky siya kase dapat start palang ng 1st tri nag ttake ka na ng folic acid. Yun ang pinaka importante sa development ni baby. May na balita kase na yung ob daw niya hindi pina take ng folic acid. Pag labas ni baby kulang kulang yung internal parts ng baby niya. Pray nalang na sana normal at healthy si baby ππ»
Share ko lang po yung sabi ng OB ko noon. Nasa genes din daw po yung mga ganung cases. At malalaman naman po nila kung regular nagpapacheck up si mommy. Opinion ko lang po.
Karen Enriquez