Pano nabibring up yung pagkakaron mo ng anak? Anong field of work din ang in-aapplyan mo? Sa job hunting experiences ko once lang ako natanong about my personal life/family and nakapasa naman ako. Siguro wag mo kusang i-mention na may anak ka pero kapag tinanong ka sagutin mo honestly. Pwede mo ding sabihin na simula naging mom ka mas naging patient ka, mas gumaling ka sa pag multitask, mas kaya mong mag-work under pressure, mas natutunan mo kung pano mag-prioritize ng tasks, etc. Siguro bigyan mo nalang din sila ng assurance na hindi makakaabala or makakasira sa trabaho yung pagiging parent mo, like may kamag-anak ka or may helper kayo na kaalalay mo sa pag-aalaga kaya di ka mahihirapan mag-work at makakapagpahinga ka ng tama para makafocus ka pagpasok sa trabaho.
Anonymous