It is not cheating when it is done thru chatting

Palabas po ng sama ng loob 😭 OA ba ako mga momsh na magalit sa ganitong bagay? Yung husband ko kasi nakikipagchat ang worse nakipag vidcall pa dun sa babae tapos sasabihin niya di niya kasalanan ung babae nagpakita ng motibo at naghuhubad. Ang OA ko daw chat lng naman daw un pati madalang lang. Makareact at iyak daw ako parang nakaanak na sya sa iba. Di naman daw nakakabuntis ang chat. Hindi ko lang maatig ung mga nabasa kong kabalahuraan nilang dalawa tapos ngaun takot na takot sya na magpost shaming ako sa fb pinagtatanggol ung babae na wag ko nang iskandaluhin at laspag narin naman daw un nakakainis napakapavictim niya tangina. May baby na kami 5months old na first time niya maggaganito simula na ba ito ng pambababae niya? 😭 Edukada po ako kaya di ko papatulan tong babaeng ito kasi naiintindihan kong dummy account gamit ng asawa ko pero mali parin sya bilang babae na kakikilala lng ng lalaki ay maghuhubad agad agad sa kachat.

It is not cheating when it is done thru chatting
241 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Cheating is a choice, considered cheating na yang ginawa ng asawa mo the way he talks parang wala siyang asawat anak. akala mo hindi pamilyado. For me lang po based sa mga sinabi niya halatang hindi siya responsableng asawa at ama. Be Strong Mommy if ipagpipilitan niyang hindi cheating yang ginagawa niya at ulitin pa siguro it's time for you to think twice. kung may pamilya ka na gagabay sa iyo or kaya niyo naman its better na mag- usap kayo kapag d nakuha sa usapan lumayo muna kayo ng anak mo. hindi healthy sa relationship yung ganyan hindi ka nirerespeto. Bilang isang babae/Ina napakasakit sa part natin yung ganyang gawain ng partner.

Magbasa pa