It is not cheating when it is done thru chatting

Palabas po ng sama ng loob 😭 OA ba ako mga momsh na magalit sa ganitong bagay? Yung husband ko kasi nakikipagchat ang worse nakipag vidcall pa dun sa babae tapos sasabihin niya di niya kasalanan ung babae nagpakita ng motibo at naghuhubad. Ang OA ko daw chat lng naman daw un pati madalang lang. Makareact at iyak daw ako parang nakaanak na sya sa iba. Di naman daw nakakabuntis ang chat. Hindi ko lang maatig ung mga nabasa kong kabalahuraan nilang dalawa tapos ngaun takot na takot sya na magpost shaming ako sa fb pinagtatanggol ung babae na wag ko nang iskandaluhin at laspag narin naman daw un nakakainis napakapavictim niya tangina. May baby na kami 5months old na first time niya maggaganito simula na ba ito ng pambababae niya? 😭 Edukada po ako kaya di ko papatulan tong babaeng ito kasi naiintindihan kong dummy account gamit ng asawa ko pero mali parin sya bilang babae na kakikilala lng ng lalaki ay maghuhubad agad agad sa kachat.

It is not cheating when it is done thru chatting
241 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ito yung dahilan ko kung bakit blinablock ko agad yung mga babaeng nagchachat sa lip ko. yung mga di ko kilala at kahit kilala ko pa, kung magpapakita ng motibo yung babae. ikanga nila prevention is better than cure. pero trust naman ako sa lip ko. mas naging maalaga sya sakin nung naging preggy nako. yung lip ko kasi yung type na super friendly kaya namimisinterpret ng mga babae yung pakikitungo nya. kaya pina alam ko sa lip ko na di ko gusto yung sobrang pagka friendly nya to the point na may callsign na sila ng friends kuno nya. yung mga callsign lng naman na pabiro pero sensitive kasi ako sa mga ganyang bagay kaya di na sya nagchachat pa ng iba. di naman kasi ako subrang higpit pagdating sa mga hobbies at addictions nya sa online games kaya di sya nagagalit sakin. kahit pa sabihin kong sa pakikitungo nya sakin ngayon malabong magcheat sya pero binabantayan ko parin kung may tinatago ba sya.

Magbasa pa