It is not cheating when it is done thru chatting

Palabas po ng sama ng loob 😭 OA ba ako mga momsh na magalit sa ganitong bagay? Yung husband ko kasi nakikipagchat ang worse nakipag vidcall pa dun sa babae tapos sasabihin niya di niya kasalanan ung babae nagpakita ng motibo at naghuhubad. Ang OA ko daw chat lng naman daw un pati madalang lang. Makareact at iyak daw ako parang nakaanak na sya sa iba. Di naman daw nakakabuntis ang chat. Hindi ko lang maatig ung mga nabasa kong kabalahuraan nilang dalawa tapos ngaun takot na takot sya na magpost shaming ako sa fb pinagtatanggol ung babae na wag ko nang iskandaluhin at laspag narin naman daw un nakakainis napakapavictim niya tangina. May baby na kami 5months old na first time niya maggaganito simula na ba ito ng pambababae niya? 😭 Edukada po ako kaya di ko papatulan tong babaeng ito kasi naiintindihan kong dummy account gamit ng asawa ko pero mali parin sya bilang babae na kakikilala lng ng lalaki ay maghuhubad agad agad sa kachat.

It is not cheating when it is done thru chatting
241 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

masakit tlaga sa damdamin tong ganitong pangyayari. I'm currently 7 months preggy and my LIP cheated on me too when I was 5-6mos preggy. worst part is may nangyari na sakanila isang beses. SOBRANG SAKIT kahit hanggang ngayon naaalala ko pa. sa buong relasyon namin nakita ko kung paano niya ako mahalin ng sobra na kahit gaano kahirap pinagdadaanan namin dahil sa pamilya ko hindi niya ako binitawan kaya hindi ako makapaniwala sa nagawa niya yun kasi Hindi sya ganong klase ng lalaki. pero I think it's meant to happen na nagcheat sya sakin for us to realize yung mga naging pagkukulang namin sa isat isa. ako i admit na sobrang dami kong pagkukulang sakanya as his partner. although hindi sya ganon ka valid para gawin niya kung ano man nagawa niya but it do happens. after ko malaman yung nangyari nakita ko kung paano siya nagsisi sa nagawa niya kahit may doubts ako at basag na basag padin tiwala ko til now, tinanggap ko sya at binigyan ng 2nd chance. right now we're doing our best na makabawi sa isat isa at maayos ang relasyon namin especially malapit na lumabas ang 1st baby namin this coming July. I'm praying na maayos niyo yan mommy..

Magbasa pa
4y ago

sa case namin ng LIP ko, si girl tlga una nagpakita ng motive.. siya pa nagpapunta sa asawa ko sa motel kung asan siya.. etong gunggong ko namang partner e wala naging mahina.. porket nagkakaron kami ng pagkakalabuan at problema sa bahay naghanap ng basurahan na pagtatapunan ng kalat namin.. the good thing is nung nalaman ko yung nangyari marunong din naman uwiwas si babae.. pero kung tlgang nanlaban pa siya kahit buntis ako diko sya uurungan.. diko lang alam hanggang kelan sya didistansya kasi sa nakita ko sakanya tlgang hayok sya sa lip ko e.. kasi kahit alam na may asawa at magkakaanak sigeng lumalandi.. di nya alam isa lang syang malaking tae sa buhay namin.. pero syempre diko din idedeny na kasalanan din ng asawa ko.. hayyy nakakagigil padin tlga hindi pa ako makalimot..