It is not cheating when it is done thru chatting

Palabas po ng sama ng loob 😭 OA ba ako mga momsh na magalit sa ganitong bagay? Yung husband ko kasi nakikipagchat ang worse nakipag vidcall pa dun sa babae tapos sasabihin niya di niya kasalanan ung babae nagpakita ng motibo at naghuhubad. Ang OA ko daw chat lng naman daw un pati madalang lang. Makareact at iyak daw ako parang nakaanak na sya sa iba. Di naman daw nakakabuntis ang chat. Hindi ko lang maatig ung mga nabasa kong kabalahuraan nilang dalawa tapos ngaun takot na takot sya na magpost shaming ako sa fb pinagtatanggol ung babae na wag ko nang iskandaluhin at laspag narin naman daw un nakakainis napakapavictim niya tangina. May baby na kami 5months old na first time niya maggaganito simula na ba ito ng pambababae niya? 😭 Edukada po ako kaya di ko papatulan tong babaeng ito kasi naiintindihan kong dummy account gamit ng asawa ko pero mali parin sya bilang babae na kakikilala lng ng lalaki ay maghuhubad agad agad sa kachat.

It is not cheating when it is done thru chatting
241 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

alam mo mommy, pagbalik-baliktarin man po natin ang mundo, chatting with someone bukod sa inyo ay cheating. 5 months palang anak nyo tas ganyan na sya?? hindi ba sya nahihiya para sa anak nya, hindi ka man lang nya kayang respetuhin. We understand na edukada ka and you won't stoop down dun sa level ng ganyang babae pero kung matino ang partner mo, hindi yan kakagat sa ganyan kesyo kahit laspag or nauna magpakita ng motibo ung babae. May mga ganyang babae talaga as in, mga walang respeto sa mga sarili at kayang manira ng pamilya pero yung partner mo rin mismo kumakagat e. Kagaguhan yung di nakakabuntis ang chat. Kung ako yan, di na ko magdalawang isip na iwanan yang hayop na yan. Hindi OA na matatawag yang reax mo, that's how a wife should react sa mga nabasa mo sa mga chat. Sobrang gago pa ng excuse. Napakababoy. Nakakapanggalaiti. Wag mo na hintayin na dumating sa point na nakabuntis ng iba ung partner mo tapos malalaman ng anak mo.

Magbasa pa