It is not cheating when it is done thru chatting

Palabas po ng sama ng loob 😭 OA ba ako mga momsh na magalit sa ganitong bagay? Yung husband ko kasi nakikipagchat ang worse nakipag vidcall pa dun sa babae tapos sasabihin niya di niya kasalanan ung babae nagpakita ng motibo at naghuhubad. Ang OA ko daw chat lng naman daw un pati madalang lang. Makareact at iyak daw ako parang nakaanak na sya sa iba. Di naman daw nakakabuntis ang chat. Hindi ko lang maatig ung mga nabasa kong kabalahuraan nilang dalawa tapos ngaun takot na takot sya na magpost shaming ako sa fb pinagtatanggol ung babae na wag ko nang iskandaluhin at laspag narin naman daw un nakakainis napakapavictim niya tangina. May baby na kami 5months old na first time niya maggaganito simula na ba ito ng pambababae niya? 😭 Edukada po ako kaya di ko papatulan tong babaeng ito kasi naiintindihan kong dummy account gamit ng asawa ko pero mali parin sya bilang babae na kakikilala lng ng lalaki ay maghuhubad agad agad sa kachat.

It is not cheating when it is done thru chatting
241 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naaalala ko noon, buntis ako sa first baby ko. hindi kami kasal nung tatay ng unang baby ko. 8 to 9 months na akong buntis ng nakita ko napakadami nyang kachat kung hindi 10 siguro. mas nakakahiya pa mga kaibigan at katrabaho ko yung iba nyang chinachat. hinampas ko sya ng laptop ko pagtapos kong basahin lahat. katwiran nya ganyan din, na kesyo hindi sila nagkikita, wala namang nangyayari, friendly lang talaga sya. alam mo, sobrang traumatizing. nakaka wala ng respeto sa sarili. ilang taon pa ako nagtiis pero isang araw umalis na lang ako sa kanila. walang closure o kahit ano. hindi din nya nakikita anak ko at wala akong natatanggap kahit magkano para sa suporta nya sa anak ko. pero alam mo, ok lang. kasi ngayon may nagmamahal samen mag ina. kasal na ako 😊 at mahal na mahal ng asawa ko ang anak ko. plus 1 on the way. sorry napahaba kwento ko. ipagpray ko ang peace of mind mo. 😊

Magbasa pa