It is not cheating when it is done thru chatting

Palabas po ng sama ng loob 😭 OA ba ako mga momsh na magalit sa ganitong bagay? Yung husband ko kasi nakikipagchat ang worse nakipag vidcall pa dun sa babae tapos sasabihin niya di niya kasalanan ung babae nagpakita ng motibo at naghuhubad. Ang OA ko daw chat lng naman daw un pati madalang lang. Makareact at iyak daw ako parang nakaanak na sya sa iba. Di naman daw nakakabuntis ang chat. Hindi ko lang maatig ung mga nabasa kong kabalahuraan nilang dalawa tapos ngaun takot na takot sya na magpost shaming ako sa fb pinagtatanggol ung babae na wag ko nang iskandaluhin at laspag narin naman daw un nakakainis napakapavictim niya tangina. May baby na kami 5months old na first time niya maggaganito simula na ba ito ng pambababae niya? 😭 Edukada po ako kaya di ko papatulan tong babaeng ito kasi naiintindihan kong dummy account gamit ng asawa ko pero mali parin sya bilang babae na kakikilala lng ng lalaki ay maghuhubad agad agad sa kachat.

It is not cheating when it is done thru chatting
241 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

been there pero di naman sa ganyang kalaswaan na.. parang bumalik lang sa pagkabinata na na excite sya na may kachat or call at ka sweet messages.. bata pa yung babae minor pa nga that time.. pero kahit ganung chat lang, masakit na yun.. ilang beses ko nahuli sa chat at text kahit tulog nababato ko CP sa kanya. hiniwalayan ko na din pero ayaw umalis at balik ng balik.. dahil di nga ganun ka intense pa, napatawad pa at mas naging matimbang ang kapakanan ng anak.. kasi never naman nagpabaya samin. ngayon we're more than ok.. mag 3 na babies namin.. ayaw ko mag suggest ng hiwalayan mo agad lalo kung kasal kayo.. hindi masama magbigay ng 2nd chance para wala ding masabi sayo mga anak mo balang araw, na kesyo nag give up ka agad. but let him know ano ang mali niya, na di porket chat lang (mas matindi pa nga sa chat yung kanya dahil kay vid call at kalaswaang topic) ay di ka nasasaktan o di ka naapektuhan. But if after giving him a chance (even multiple chance kung kaya mong ihandle) at wala pa rin talagang pagbabago, leave him. and make your kids know the reason, be transparent to your child, pero wag mong tuturuan na magalit din sa father nya.

Magbasa pa