It is not cheating when it is done thru chatting

Palabas po ng sama ng loob 😭 OA ba ako mga momsh na magalit sa ganitong bagay? Yung husband ko kasi nakikipagchat ang worse nakipag vidcall pa dun sa babae tapos sasabihin niya di niya kasalanan ung babae nagpakita ng motibo at naghuhubad. Ang OA ko daw chat lng naman daw un pati madalang lang. Makareact at iyak daw ako parang nakaanak na sya sa iba. Di naman daw nakakabuntis ang chat. Hindi ko lang maatig ung mga nabasa kong kabalahuraan nilang dalawa tapos ngaun takot na takot sya na magpost shaming ako sa fb pinagtatanggol ung babae na wag ko nang iskandaluhin at laspag narin naman daw un nakakainis napakapavictim niya tangina. May baby na kami 5months old na first time niya maggaganito simula na ba ito ng pambababae niya? 😭 Edukada po ako kaya di ko papatulan tong babaeng ito kasi naiintindihan kong dummy account gamit ng asawa ko pero mali parin sya bilang babae na kakikilala lng ng lalaki ay maghuhubad agad agad sa kachat.

It is not cheating when it is done thru chatting
241 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi pagiging oa yung pag rereact sa pang chicheat ni husband, remember cheating is a choice. Tsaka cheating yung tawag sa mga taong may partner na but still nakikipag cpmmunicate pa din sa iba with mean, alam mo na iba kasi yung friends lang sa kalandian mo na. Kung si mister pa ang matapang kahit sya na ang may kasalanan, hayaan mo na. Kumalma ka muna then kausapin mo sya ng mahinahon, ask him why? Pag sa tingin mo hindi katanggap tanggap sagot nya let him go. Once a cheater always be a cheater kaya wag mong hahayaan sarili mo na lamunin ka nung pain dahil lang sa ginagawa niya

Magbasa pa