✕

241 Replies

You have all the rights na magalit at maging OA Momsh! Dumaan na ako sa ganyan at hindi madali lalo na sa ating mga Mommies na. I caught my husband that he and his ex still had their communication even though I am already pregnant with our first baby. They planned and was about to meet behind my back to do the most sinful thing na magagawa nya sa akin. But God was always on my side at hindi nya pinabayaan na lokohin ako ng Asawa ko at masira ang pamilya na uumpisahan na sana namin buuin. Hindi talaga ko mahilig mangialam ng gamit ng Asawa ko but I don't know what comes on me that day that I checked his phone while he is driving (we actually on our way home from my OB-GYN). Hindi ko inopen ang mga social media accounts nya kasi nga hindi ko naman gawain yun. Sa chrome ako nagpunta to sign in to my Facebook account and there I found his 2nd account. He maybe forgot to log it off. Pinilit ko ikalma ang sarili ko. We've been talking before I found him cheating but my silence triggered him. Tinanong nya ako what's the matter and I force a smile and shake my head to say nothing. I don't have any strength pa that time to speak kasi I am afraid na baka mga mahalata nya sa boses ko na I am badly mad and hurt that time. He was driving and I am 7 months pregnant, I thought of my baby's safety first before the wrath inside me. When we finally got home, I gave back his phone and I hurriedly went up to our room. He noticed that there was something wrong with me. I waited for him to enter and right after our door opened revealing him, isang malakas na sampal agad ang sinalubong ko sa kanya. And that slap was not for me. That was for our daughter inside my womb. She doesn't deserve to be cheated. My husband didn't just look for someone else but he definitely tried to let our daughter grew up with a broken family. Alam na agad ng Asawa ko kung bakit ako nagkakaganun. He kneeled down and beg for my forgiveness and Yes I forgave him. But I changed. I am no longer his sweet, clingy and caring wife he married. I realize that although I gave him my everything, I am still mot enough for him. We are okay. We actually have 2 kids and 1 incoming baby. What happened before was already a memory to us, but that memory made our world change.

been there pero di naman sa ganyang kalaswaan na.. parang bumalik lang sa pagkabinata na na excite sya na may kachat or call at ka sweet messages.. bata pa yung babae minor pa nga that time.. pero kahit ganung chat lang, masakit na yun.. ilang beses ko nahuli sa chat at text kahit tulog nababato ko CP sa kanya. hiniwalayan ko na din pero ayaw umalis at balik ng balik.. dahil di nga ganun ka intense pa, napatawad pa at mas naging matimbang ang kapakanan ng anak.. kasi never naman nagpabaya samin. ngayon we're more than ok.. mag 3 na babies namin.. ayaw ko mag suggest ng hiwalayan mo agad lalo kung kasal kayo.. hindi masama magbigay ng 2nd chance para wala ding masabi sayo mga anak mo balang araw, na kesyo nag give up ka agad. but let him know ano ang mali niya, na di porket chat lang (mas matindi pa nga sa chat yung kanya dahil kay vid call at kalaswaang topic) ay di ka nasasaktan o di ka naapektuhan. But if after giving him a chance (even multiple chance kung kaya mong ihandle) at wala pa rin talagang pagbabago, leave him. and make your kids know the reason, be transparent to your child, pero wag mong tuturuan na magalit din sa father nya.

masakit tlaga sa damdamin tong ganitong pangyayari. I'm currently 7 months preggy and my LIP cheated on me too when I was 5-6mos preggy. worst part is may nangyari na sakanila isang beses. SOBRANG SAKIT kahit hanggang ngayon naaalala ko pa. sa buong relasyon namin nakita ko kung paano niya ako mahalin ng sobra na kahit gaano kahirap pinagdadaanan namin dahil sa pamilya ko hindi niya ako binitawan kaya hindi ako makapaniwala sa nagawa niya yun kasi Hindi sya ganong klase ng lalaki. pero I think it's meant to happen na nagcheat sya sakin for us to realize yung mga naging pagkukulang namin sa isat isa. ako i admit na sobrang dami kong pagkukulang sakanya as his partner. although hindi sya ganon ka valid para gawin niya kung ano man nagawa niya but it do happens. after ko malaman yung nangyari nakita ko kung paano siya nagsisi sa nagawa niya kahit may doubts ako at basag na basag padin tiwala ko til now, tinanggap ko sya at binigyan ng 2nd chance. right now we're doing our best na makabawi sa isat isa at maayos ang relasyon namin especially malapit na lumabas ang 1st baby namin this coming July. I'm praying na maayos niyo yan mommy..

sa case namin ng LIP ko, si girl tlga una nagpakita ng motive.. siya pa nagpapunta sa asawa ko sa motel kung asan siya.. etong gunggong ko namang partner e wala naging mahina.. porket nagkakaron kami ng pagkakalabuan at problema sa bahay naghanap ng basurahan na pagtatapunan ng kalat namin.. the good thing is nung nalaman ko yung nangyari marunong din naman uwiwas si babae.. pero kung tlgang nanlaban pa siya kahit buntis ako diko sya uurungan.. diko lang alam hanggang kelan sya didistansya kasi sa nakita ko sakanya tlgang hayok sya sa lip ko e.. kasi kahit alam na may asawa at magkakaanak sigeng lumalandi.. di nya alam isa lang syang malaking tae sa buhay namin.. pero syempre diko din idedeny na kasalanan din ng asawa ko.. hayyy nakakagigil padin tlga hindi pa ako makalimot..

IT IS A FORM OF CHEATING. KAHIT CHAT PA YAN, IT IS CHEATING. tingnan mo naman pinagsasasabi ng asawa mo tangina. in my case, i just found out recently na nagccheat asawa ko. buti nahuli ko agad. ang bobo magtago eh. ngayon, sising sisi siya sa ginagawa niya at nakikita ko naman na nagbabago siya. sa asawa mo, i'm sorry pero putangina niya. bobo ba siya? kasi ang bobo niya mag rason. hindi nga nakakabuntis ang chat pero pano kapag nagkita sila? di makuntento ampota. may anak na lahat lahat nagagawa pang manloko. wala tayong kasalanan kung bakit sila ganyan mommy. wag na wag mong sisisihin sarili mo kasi ako sinisi ko rin sarili ko bakit niya nagawa yon. pero i realized na, ginawa ko naman yung part ko. siya na tong may mali. siya yung di makuntento sakin. nakakainis yung ganyang lalaki. magrarason na lang yung di pa valid. kung ako sayo mommy, hihiwalayan ko yan. may chance na maulit pa yan. di rin naman siya nagsisisi sa tingin ko. pero sana maging strong ka para sa baby mo. godbless you po.

true!! agree ako sayo mommy! be strong. sa una lng yang sakit pag iniwan mo. Sa huli makakalimutan mo din yang sakit kesa araw araw ka nya saktan emotionally at mentally is mas masakit at nakakapagod. Ako nga di ko alam na ako pala ang kabit kasi pakilala sakin single tapos mga ID nya pinakita is single talaga pero nahuli ko padin at ako pa ginawang mali ng gago. kaya iwan mo na yan kasi kahit sabihin na di maganda lumaki ang bata na walang ama pero for me mas better na yun kesa lumaki ang bata sa panloloko at di masayang pamilya. Laban lng tayo para sa baby natin

alam mo mommy, pagbalik-baliktarin man po natin ang mundo, chatting with someone bukod sa inyo ay cheating. 5 months palang anak nyo tas ganyan na sya?? hindi ba sya nahihiya para sa anak nya, hindi ka man lang nya kayang respetuhin. We understand na edukada ka and you won't stoop down dun sa level ng ganyang babae pero kung matino ang partner mo, hindi yan kakagat sa ganyan kesyo kahit laspag or nauna magpakita ng motibo ung babae. May mga ganyang babae talaga as in, mga walang respeto sa mga sarili at kayang manira ng pamilya pero yung partner mo rin mismo kumakagat e. Kagaguhan yung di nakakabuntis ang chat. Kung ako yan, di na ko magdalawang isip na iwanan yang hayop na yan. Hindi OA na matatawag yang reax mo, that's how a wife should react sa mga nabasa mo sa mga chat. Sobrang gago pa ng excuse. Napakababoy. Nakakapanggalaiti. Wag mo na hintayin na dumating sa point na nakabuntis ng iba ung partner mo tapos malalaman ng anak mo.

nangyari n yn b4 sa akin... friendster pa yta non... may ka chat sya nsa america pero asian pinakilala ng xfriend ko (imagine sya pa nagpakilala) tpos nagcocomment pa sya don that tym preggy aq. nagtext aq sknya cnbe ko un kya pag uwi nya kgd pinakita ko un nkita ko pero wla nmn gnyn na bastos na cnsbe husband ko nhuli klng nagcocomment sya na ang gorgeous dw nun girl mga gnn. dhiln nya nsa ibng bansa dw un, na ndi nmn nya mkaka sex (gnn tlg cnbe nya) sbe ko kht na dpt wlng gnn don maguumpisa yn kht p nsa ibng bansa e pano kng aside don may iba p na ndi ko nahuli db. inaway ko dn un xfriend ko after that kya sbe ko never nya n kakausapin un. bsta kng ano mkita mo confront him immediately pra nmn magcng gcng cla at alm nla ndi mo itotolerate un. for how many years na mag asawa kmi dmi ndin nmn na encounter na pde pgawayn. and another thing pinaka important don un nafefeel mo na takot sya sau pgdting sa mga gnyn. im not saying na under sya skn but more on respect.

naaalala ko noon, buntis ako sa first baby ko. hindi kami kasal nung tatay ng unang baby ko. 8 to 9 months na akong buntis ng nakita ko napakadami nyang kachat kung hindi 10 siguro. mas nakakahiya pa mga kaibigan at katrabaho ko yung iba nyang chinachat. hinampas ko sya ng laptop ko pagtapos kong basahin lahat. katwiran nya ganyan din, na kesyo hindi sila nagkikita, wala namang nangyayari, friendly lang talaga sya. alam mo, sobrang traumatizing. nakaka wala ng respeto sa sarili. ilang taon pa ako nagtiis pero isang araw umalis na lang ako sa kanila. walang closure o kahit ano. hindi din nya nakikita anak ko at wala akong natatanggap kahit magkano para sa suporta nya sa anak ko. pero alam mo, ok lang. kasi ngayon may nagmamahal samen mag ina. kasal na ako 😊 at mahal na mahal ng asawa ko ang anak ko. plus 1 on the way. sorry napahaba kwento ko. ipagpray ko ang peace of mind mo. 😊

VIP Member

kahit ano pang form of communication or panglalandi, cheating yan. so long na nakikipag usap ka ng intimate or may landi sa ibang tao, cheating yan. ask your husband, what would he feel if you'll do the same thing. kung sasabihin nyang "okay lang chat lang naman e " that means wala syang pakealam sayo. kaya nagagawa nya yan. and uulitin nya pa yan, and worst, baka more than that pa magawa nya. sis, prevention is better than cure, pag di naagapan yan, lalong magiging malaki problema mo sa cheating issues ng asawa mo. save yourself. save your child. hindi ako expert, pero my dad was a cheater, hindi sila agad nagbabago. good thing di ko pa naeexperience yan sa asawa ko. or sobra lang ako magbantay at may mag chat lang na babae na kakaiba yung sinasabi e ako na nagrereply agad..in a nice way naman. nireremind ko lang yung babae na may asawa na yung nilalandi nya, and good thing narin na di napatol asawa ko.

ito yung dahilan ko kung bakit blinablock ko agad yung mga babaeng nagchachat sa lip ko. yung mga di ko kilala at kahit kilala ko pa, kung magpapakita ng motibo yung babae. ikanga nila prevention is better than cure. pero trust naman ako sa lip ko. mas naging maalaga sya sakin nung naging preggy nako. yung lip ko kasi yung type na super friendly kaya namimisinterpret ng mga babae yung pakikitungo nya. kaya pina alam ko sa lip ko na di ko gusto yung sobrang pagka friendly nya to the point na may callsign na sila ng friends kuno nya. yung mga callsign lng naman na pabiro pero sensitive kasi ako sa mga ganyang bagay kaya di na sya nagchachat pa ng iba. di naman kasi ako subrang higpit pagdating sa mga hobbies at addictions nya sa online games kaya di sya nagagalit sakin. kahit pa sabihin kong sa pakikitungo nya sakin ngayon malabong magcheat sya pero binabantayan ko parin kung may tinatago ba sya.

I have a super super same case here. . Yung mama ko tsaka yung ex-LIP nya. .. The thing is, matagal na sila. They had 2kids together at malalaki na din. Ganyang ganyan ang reason nya kapag nahuhuli sya sa pambababae nya, sa chat nalang nmn yun, dko naman mabubuntis. Ilang ulit yun hanggang sa nasira na ng tuluyan pamilya nila. Why? kase pinaghiwalay ko na sila. Ako na gumawa ng paraan para maghiwalay sila dahil sobrang tanga na ng mama ko (panganay akong anak sa una nyang asawa) hindi na sya nirerespeto pati ng buong pamilya ni lalaki . At the moment, nasa pangangalaga ko ang panganay nila (16yrs old/girl) while yung bunso (11yrs old/boy) is naiwan dun sa papa nila. While si mama ngayon ay nasa ibang bansa, masaya, malaya . . Kaya momsh, habang maaga agapan nyo yan. Hindi yan basta maliit na problema lang . . Pwede lumala yan katulad ng nangyari sa pamilya ng kapatid ko.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles