Mommies help!

Palabas po ng sama ng loob mommies. Yung kapatid po kase ng asawa ko harap harapan kong sinubuan ng tinapay yung 3month old kong anak. Para naman daw po makatikim anak ko. Sobrang sumama po loob ko na kahit asawa ko hindi manlang pinigilan yung kapatid niya. At paguwi namin dito sa bahay umiyak na lang ako. Tinanong niya ako kung bakit, sinabe ko po yung nangyare. Na parang napagtulungan pa ako. Ang ending po siya pa po yung umalis. Diba po dapat ako yung kausapin niya? Icomfort niya manlang. Pero hindi po eh iniwan niya kame ng anak namin dito. Mali po ba na magalit ako? Mali po ba yung nararamdaman ko? 😭#advicepls #pleasehelp

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mali naman talaga na bigyan ng tinapay ung 3 mos na baby.. kahit nga mga 9 mos na hindi pa pwede mag bread. Raulo naman nyang kapatid ng asawa mo! buti di nabulunan baby mo. wag mo na lang ipapahawak sa iba baby mo. idikit mo na lang sa katawan mo all the time. if they want to play with your baby, bantayan mo na para kang cctv. btw baka naman po kaya siya umalis para kausapin kapatid niya. di na niya ikaw na comfort kasi nag aalangan siya sa hiya sayo, syempre kapatid nia ung gumawa ng mali eh.

Magbasa pa
5y ago

try to initiate po makipag usap sa asawa mo and ipaintindi sa kanya na di pwede yung gusto mangyari ng in laws mo na kung anu ano pinakakain. Explain mo na as advise ng pedia, bawal pa kumain ng 3 mos old. Sabihin mo na maaari sa kanila wala nangyari pero baka sa baby mo meron and you cannot risk it. If may mangyari ba sa anak nio sasagutin ba ng side niya ang pagpapagamot? Be firm momy. Ikaw ang nagbuntis, ikaw ang umire, ikaw ang nag alaga at ikaw ang nanay. Ikaw ang masusunod.