Mother in law

Palabas namn ng sama ng loob mga mamsh. Hindi ko mailabas sa asawa ko kasi baka magaway lang kami eh. So ganito kasi yon, seaman yung lip ko dahil hindi pa kami kasal, nanay nya taga hawak ng allotment. Ang usapan hati kami sa padala. Nung unang buwan, nasa 22k yung dumating pero 10k lang binigay nya samin. Hinayaan ko lang yun. Tapos 2nd month, ayon na.. 8k nalang binigay nya. Pero ang ginawa nya, 5k muna tapos ska lang binigay 3k kasi daw may babayaran sya. 3rd month same scenario di nya agad pinapadala. Grabe sama ng loob ko, hindi nya ba alam gaano kahirap magbudget ng pera. Madami pa akong bayarin sa bahay tapos pambili pa ng kailangan ng apo nya. Tapos nung bumaba yung asawa ko kasi binenta barko nila, nalaman ko inutangan nya asawa ko ng 25k. Eto namang tanga, nagpautang din. Alam namn nyang hindi yon mababayaran ng nanay nya. Okay lang sana mga mamsh kung marami kaming pera. Kaso tatlong buwan lang sya sa barko. Magkano lang naipon nya. Madami pa kaming bayarin at kailangan bilhin dito s bahay. Sobrang sakit sa ulo. Ngayon magkano nalang pera namin. Sinisingil na ng asawa ko yung nanay nya pero lagi sinasabi next week daw ng next week. Di manlang nya naisip na may sariling pamilya na yung anak nya. At hindi ko rin alam anong ginawa nya sa 25k. Nakakaiyak mga mamsh. Bat nagbabago yung tao kapag nakahawak na ng pera. Ni minsan nga hindi nya ko tinanong kung kamusta nya kami ng apo nya. Eh ang hirap magisa. Di ko na alam gagawin ko. Nagagalit na din ako sa asawa ko.

1 Replies

VIP Member

kaya mas mabuti po pakasal na kayo para sa sunod na sakay ng barko diretso na alotte sa inyo minsan talaga may mga inlaws na di makaintindi na meron na pamilya anak nila.

Haysss true. Tas may inlaw pa na prang pinipilit patrabahuhin ang wife. Sguro takot na baka di na mabgyan. Hirap kaya malayo na nga ang tatay tapos magtatrabaho pa ang nanay hayd

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles