Ask lang, hnd ko kasi mapigilan umiyak,Pakiramdam ko wala ako karamay kay baby khit nanjan asawa ko
Pakiramdam ko ako lang mag isa, parang minsan iniisip na hindi ko na kaya pa alagaan si baby... Pero Hnd ako kht kelan napagod kay baby na alagaan sya, mhal ko sya, hnd ko sya kaya tiisin syempre anak mo eh... Dumadating tlaga ung punto sakin na sumasabog nlng lahat ng emosyon ko, minsan nabubunton sa asawa ko kht wala sya gngwa, naiiyak nlng ako, lalo pa ngaun nagka lagnat si baby ngaun...#firsttimemom #advicepls #firstbaby #firstimebeingmother #firstTime_mom

ganyan din nararamdaman ko mamsh parang ako lang lahat eh lalo na wala pakong maayos na pahinga lalo na tulog tapos syempre yung pagod mo nung nanganak ka di naman agad mawawala pero mas nilawakan ko yung pag intindi ko sa partner ko nun kase alam ko pagod din sya galing sa work yung simpleng pag dala nya ng pagkain tubig tska mga kelangan ko kapag uwi nya galing sa trabaho tska ko lang naisip na di naman pala ako yung pagod pati pala yung partner ko mas doble nga lang saten kase 24/7 tayo pero nag open up ako sakanya para alam nya din yung nararamdaman ko ayun mas dinagdagan nya pa yung pagasikaso samin kahit puro sya overtime 🥹
Magbasa paWag mahiya to ask for help if kailangan mo lalo na mag asawa kayo. Sabihin mo sa kanya kase kadalasan yang mga lalake wala idea kung ano na iniiisp o nararamdaman mo hanggat di mo sinasabi direkta sa kanila. Saka post partum mommy mejo magulo pa din ang hormones saka as first time mom, madami nagbago. Sa katawan mo, sa routine mo, responsibilities mo. Nakaka overwhelm and nakakapagod ba. Usap kayo mi. You’re doing a great job. Need lang may kakampi ka katuwang and dapat si husband yung number 1 karamay mo jan.
Magbasa paang mag-asawa ay magkatuwang sa buhay. pag-usapan nio kung paano kau magtutulungan sa pag-aalaga at pagpapalaki kay baby. para malaman nia ano ang nasa saloob mo. may mga tatay na hindi nagkukusa/hindi alam/walang idea, unless sabihin ng mga nanay. always pray. kaming mag-asawa, nag-uusap kami. nagtutulungan kaming 2. talagang hands-on sia sa pagpapalaki ng mga anak namin. nagkukusa sia.
Magbasa paako minsan Bigla nalang tutulo luha ko . and parang depress ako wala akong mapag sabihan and feeling ko ako lang din mag isa sa pag aalaga . hindi ko alam minsan ung trabaho Ang Gaan lang feeling ko Ang hirap Ang bigat . hindi ko masabi sa asawa ko Ang nararamdaman ko hindi ko naman alam ano nararamdaman ko Basta mabigat dibdib ko .😢
Magbasa paI think kulang kayo sa communication kaya ganyan, hindi malalaman ng Asawa mo ang saloobin mo kung di ka nagsasalita. Mag-aaway tlga kayo niyan kase manghuhula lang sya kung anong problema. Alam mo nman mga lalaki. Mag-open up ka sa kanya.