Needkopo ng sagot

Pahingi po ng sagot or advice.. Kwento ko lang po ung ngyari kanina, Meron akong 1month old and 4 weeks baby, kanina po kasing umaga lilinisan ko siya, bumaba ako at kumuha ako ng tubig na panlinis nya, iniwan ko sya sa kwarto kasama ung isa kong anak na 4 yrs old, pero saglit lang naman aku kasi takot nga akong maiwang mag isa , eh ung higaan kasi namin katre lang siya walang foam, ung baby ko pagbalik ko wala na sa unan nya, sabi ng anak kong isa , "mama si bibi na untog na.. pero di nmn sya naiyak.. Umiyak lang sya nung ramdam nya na bubuhatin ko na sya,. Nangangamba kasi ako kasi diko nakita ung ngyari.. Paadvice namn kung ano gagawin ko, kanina pa kasi akong di mapakali.. Wala naman akung nakikitang symptoms pero dipadin ako mapakali. πŸ˜₯πŸ˜₯ sana po mapansin nyo#pleasehelp #worryingmom #advicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

1 month old pa po momsh so malabong makaalis yon mag isa sa unan, baka kinuha ng isa mong anak yung unan kaya nauntog si baby. derecho nyo na po sa hospital kung nag aalala kayo at next time po wag nyo po iwan kahit seconds lang po yan.

3y ago

ano po bang sintomas pag mga ganitong pangyayari?

Baka naman po kagagawan ng isa mong anak kinuha bigla ang unan at nauntog ang baby. Kc sa ganon 1 month palang d pa kaya non umalis sa unan. Kawawa naman ang baby.. Pa check up mo po baka mapano ang ulo.