Pananakit
Pahingi po ng advice. Just this afternoon po nag bibiruan kame ng asawa ko. At may nasabi ako na biro na hindi niya nagustuhan at dahil dun bigla niya akong SINAKAL. Hindi ko akalain na gagawin niya sa akin yun. Tapos umiyak ako kase nabigla ako at nasaktan sa ginawa niya. Siguro nun nahimasmasan na xa at realize niya yung ginawa niya Nag sorry siya sa akin at sabi niya d daw niya yun sinasadya hindi lang daw niya nagustuhan yung sinabi ko sa kanya. Bigla akong nagka trauma sa asawa ko. First time po nangyare to. Palagi kameng nagkakaroon ng misunderstanding pero di niya ako sinaktan pero ngayon nabigla talaga ako kung bakit bigla niya akong sakalin tapos sasabihin na hindi niya sinadya. Kayo momsh anong gagawin niyo pag ginanun kayo?