NAG SISINUNGALING NA ANG ANAK KO 😭

Pahingi naman po ako ng advice, 6yrs old lang po ang anak ko at , minsan na siyang nag sinungaling sakin, although maliit na bagay lang naman..pero ayoko kasing kalakihan niya ang pag sisinungaling... Pakiramdam ko ay hindi ko siya nagagabayan ng maayos...sinisisi ko sarili ko.. Pakiramdam ko di maayos ang pag papalaki ko sakanya... Sobrang sweet niya naman na bata at sobrang attached siya sakin..

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Nung bata ako, same age sa anak mo, nagsisinungaling din ako, IDK if same kami ng reasons ng anak mo but to give you an idea, ito yung mga dahilan kung bakit, 1. Ayoko maparusahan, I was disciplined by palo, excessive palo. Kaya kahit sa maliliit na bagay nagsisinungaling ako dahil takot akong mapalo. 2. Pressure, minsan nasa situation ako na may nagawa akong mali tapos tinanong ako sa harap ng ibang tao, or di kaya parang pinipilit ako umamin or binubuking ako kahit na minsan alam naman nila na mali yung ginawa ko, kaya ending feeling ko kailangan ko idefend sarili ko kaya nagsisinungaling ako. 3. Survival, para makaalis sa certain situation instinct ko na lang na mag sinungaling. 1 time nagsinungaling ako, imbes na hiyain, ipressure sa tanong or parusahan ako, yung ginawa ng tao na yun is pinakitaan niya ako ng kabaitan at inexplain sakin kung bakit mali yung ginawa ko, buong time hindi ako nagsasalita nakikinig lang ako. Kasi first time kong maka-experience ng ganong reaction. Since hindi mo namention kung paano mo siya dinidisiplina, mag bigay na lang ako ng idea base on my experience, Pag nahuli mo anak mo nagsinungaling, at sure ka sa ginawa niya, wag mo na siyang tanungin or ipressure na umamin, deretsuhin mo na lang siya, i-explain mo na mali yung ginawa niya, bakit mali, at ano ang tama na dapat gawin. Explain mo rin kung ano yung long term effect ng pagsisinungaling lalo kapag nakasanayan. Bigyan mo siya ng time magisip-isip mag-isa at magsisi. I-assure mo rin na hindi mababawasan pagmamahal mo, na tinuturuan mo siya paano maging mabuting bata dahil mahal mo siya at ayaw mong maligaw siya ng landas. Habang lumalaki ako natututo rin ako sa mga pagkakamali ko, na mali pala ang nagawa ko. Eventually natuto rin ako na wag gawin yung mga mali para hindi ako makapag sinungaling. 6 years old pa lang naman siya, magbabago pa po siya.

Magbasa pa
10mo ago

Thank you miiii 😊

TapFluencer

siguro constant advise para sa anak..hindi naman kasi isang sabi mo lang sa anak mo susundin ka na lage lalo pa't maliit pa ang bata..giving pros and cons sa mga actions na gagawin ng bata..kailangan pa kasi natin parents imold sila habang lumalaki..parang tayo lang din matatanda nagkakmali nangangilangan pa rin ng advise to make a step..ganon din sila..habang lumalaki sila natuto sila same din sa atin natuto rin tayo dahil sa kanila..

Magbasa pa
10mo ago

Thanks sa advice mi 😊