Breastfeeding

pahelp namn po .. nagtry ako na magpabreastfeed sa baby ko kaya lang wala syang makuhang gatas .. kaya inaayawan nya .. gusto ko sana sya ibreastfeed anu po dapat gawin? lalabas ba sya kalag nagbreastpump po ako? anu pong magandang inumin para pamparami gatas salamat po .. 😊 #breastfeeder

Breastfeeding
14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Nakadepende po kasi sa kung gaano kaliit or kalaki ang sikmura ni baby yung gatas na ma-produce natin. Kung newborn palang po si baby, most likely sobrang konti lang po ng gatas na lalabas sainyo to the point na akala mo wala ka talagang milk kahit pisilin ang nipples. If you'd like to continue breastfeeding po, unli latch mo lang po si baby sayo. Habang lumalaki si baby mapapansin mo din po na mas dumadami na yung gatas na na-poproduce mo. Also, eat green leafy vegetables po and always pong mag sabaw kapag kumakain. Ang pag gamit po ng pump ay suggested after 6 weeks na si baby, kasi kapag nag pump ka po agad may tendency na mag produce ka ng sobrang daming milk to the point na hindi na kayanin ni baby maubos. Masakit pong mapuno ng gatas ang breast natin, heads up lang po.

Magbasa pa

Sakin sis wala din nalabas skin gatas . kahit na pisatin ko wala talaga . Pero pinadedede ko sa knya dinedede nman nya . nag aalala ako baka magutom sbe ko don sa OB ko . nkaka dede po kaya to ? wala po nalabas skin gatas . sbe meron yan . akala mo lang wala . lalakas din yan si Baby ksi yung parang nag po produce ng milk . mnsan ilang araw pa yan bago mag visible . ako after 2 days tumutulo na at sobrang lakas na ngayon . pag nag pump ako isang Dede palang 3 oz na . wag ka susuko sis . Ipadede mo lang kay baby 😊 pag gutom yan dedede talaga yan .

Magbasa pa

unli latch is the key.. πŸ€— padede mo lang ng padede kay baby momsh kahit sumakit at mag sugat na nipples mo tuloy mo lang ang latch kay baby akala mo lang walang milk sila na nakukuha basta tuloy mo lang padede ng padede kay baby tapos more on soup and water keep hydrated para marami kang milk.. or bili ka ng M2 malunggay tea search mo sa shopee or Lazada lakas mag pa milk yon.. meron din tinda non sa andoks.. tiyaga lang mommy magulat ka nalang naninigas na yan breast mo dahil sa milk.. πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„

Magbasa pa

pump lng ng pump mommy.kung newborn pa si baby konti lang talaga lalabas kasi yun lang kaya ng tummy ni baby. eventually dadami din yan. habang nagppump drink ka din water. pde din inom suppliments na malunggay capsule kung hindi available ang sabaw. fatty na sabaw best gaya ng nilagang baka or bulalo.

Magbasa pa

Meron po yan.. More in sabaw lang po at padede u lang sakin ksi ganyan... Nasugat pa nga po dede ko non as in subrang sakit kapag nag dede sya ksibnasugat.. Sabi NG byanan ko gagaling din daw yan.. Tiisin ko lng daw.. Totoo nga at pagktapos may gatas na ako

Ilang days na po si baby? Yung iba po hindi muna nagppump until 6 weeks para kung ano yung demand ni baby, yun din ang supply. Ako po malunggay capsule mula bago manganak hanggang ngayon. Mag 4 months na si baby, so far ok ang supply ng milk.

mag malunggay capsule ka tas more sabaw at tubig. Then ipadede mo pa de kahit Wala nalabas hayaan mo lang para ma detect ng Dede mo na may need ng gatas mag produce siya based sa need ni baby. iwasan din mag isip ng negative at stress

mamsh siguro po ihand Express niyo muna at icheck kung may lalabas. kasi need din po mastimulate ng breast natin bago mag BF tas pag meron na po, ipaBF niyo na po si baby hehe good luck sa journey mo mamsh!

try mo muna punasan ng basang bulak sis tapos saka mo pa dede kay baby. try mo lang lagi pa dede para lumabas ung gatas mo

try mo po ung malunggay capsule .. un bngay skn para magkaroon ng gatas .. tpos kain ka lage ng may sabaw .. malunggay ..

Related Articles