Susundin ko ba gusto ko o sya

Pahelp naman po. Manganganak na kasi ako sa nov. Hindi ako nasamahan ng asawa ko sa buong pagbubuntis ko "9months" dahil nasa trabaho nya sya at covid hindi makauwi ng manila. Sundalo kasi sya. Ang rason nya Keso yung CO nya daw nanganak ung asawa nung june kaya ayun ang pinauwi tapos sumunod daw EX O nya kasi manganganak asawa ngaung August kaya hindi sya nakapag leave para makauwi ng manila kahit may flight naman. Inintindi ko nalang kahit mahirap mag buntis sa ganitong situation na wala sya dito para maging katuwang ko sa gawaing bahay pati pamili ng grocery at pagpunta punta sa hospital for ob check up. Yung ate ko lang tumutulong sakin. Nabanggit ko rin sakanya na sa bahay muna kami ng tatay ko mag stay since nandun rin ang lola at tita ko para Magabayan rin kami sa pagaalalaga ng bata since first baby namin ito pero mas gusto nya na dun kami sa bahay nila mag stay at kung maaari daw manganak ako ng end of nov para diretso na sa xmas break nya. Sempre ang sagot ko naman dun hindi ko control kelan ako maglelabor basta ang estimated na due date ko sa nov 29. Sabi nya sa bahay nalang daw nila kami mag stay since 1 month lng daw bakasyon nya. Sabi ko naman mas ok kasi na sa tatay muna tayo kasi hindi ako maiilang dahil lilinisan rin ako hindi ko rin alam kung anong situation ko that time kung malakas lakas naba ko or what saka nabanggit ko rin na marami kasing aso sa loob ng bahay nila maeexpose si baby wala pang vaccine. Ang gusto nya mangyari uwi kami saknila stay kami dun buong bakasyon nya tapos pag aalis na sya pabalik sa mindanao "dun kasi ung work nya" e ihahatid nya kami ni baby kila tatay. Ang sabi ko kasi sakanya masyado pang maliit si baby para ibyahe byahe. Saka may covid mas ok na stay nalng kami kila tatay para from hospital e hindi na mag byahe ulit. Kaso ang sabi nya hindi sya mag stay dun kung gusto ko daw uuwi nalng daw sya kila tatay sa araw pero sa bahay nya nila sya matutulog. From Novaliches kami nakatira "house ng tatay ko" from payatas sila nakatira yung byahe hindi rin biro since. May pandemic nga tapos byahe sya ng byahe at hahawakan, hahalikan nya ung baby maeexpose lang nya kung maging infected sya. Ngaun ayan talaga ung gusto nya mangyari. Kung gusto ko raw na alagaan nya ko e sa bahay nila kami. Mag stay. Sumama ung loob ko ng sobra ni hindi ko sya kinakausap hindi nya mabigyan ng consideration yung sinsabi ko kalabisan ba un hindi na nga nya ko nasamahan sa pagbubuntis ko e ganun pa ang sinasabi nya sakin. Take note po hindi po ako dependent sakanya yung everyday foods at gamit ni baby ako gumastos at sya naman sa check up at panganganak daw. Pero ang sabi nya mag ready rin daw ako ng pera baka daw sa panganganak ko e hindi umabot ung pera nya. Ang binibigay nya lang sakin mula march hanggang jul 5k monthly for check up, vitamins, laboratory exam, ultrasound ni baby. Minsan kapos kaya abono nalng ako then ngaung aug 10k na binibigay nya pero need ko pa ipunin kasi manganganak ako sa nov yan na rin daw un at dadagdagan nalang daw nya kung may pera daw sya at kung wala pa abonohan ko raw muna. Gusto ko sya intindihin for the sake na magkakababy na kami sempre ganun naman sa mag asawa tulungan kung sino ang nakakaangat pero ang di ko kasi matiis dito ung wala syang consideration. Yung gusto nya masunod ang gusto nya sa panganganak ko kung saan kami mag stay na house. Susundin ko ba sya para wala ng away or gagawin ko ung gusto ko dahil un ang tingin kong tama? 😔 #firstbaby #pleaseadvise

2 Replies

momsh dun ka kung san ka komportable.. hindi naman siya ang manganganak at mahihirapan if ever.. syempre iba pa rin kung yung dun ka sa family mo hindi masyado nakakailang at nakakahiya.. ako din kasi 6mons preggy ako nung nag abroad asawa ko kaya lumipat ako sa bahay ng nanay ko before siya umalis 😁

Ang haba di ko na tinapos. Mothers knows best. Kung ano yung alam mo na makakabuti sayo at kay baby don ka. Godbless you.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles