Lungad sa ilong

pahelp naman po, bakit po kaya lungad nang lungad ang baby ko? minsan po sa ilong lumalabas 😥 mixed po ginagawa ko sakanya. pero nung tinry ko po 1 day i pure breastmilk sya, lumalabas pa rin po yung gatas. pinapa burp ko naman po sya after feeding nya at saka 2oz. lang po pinapadede ko sakanya. mag 1 month na po sya sa 24. please pahelp po kung pano po maiiwasan. naawa po ako sa baby ko 😭 #help #firsttimemom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello sissy im a first mom too, mag 2 months na si baby next jan. 5 . pinagdaanan din namin ni baby ang paglungad at lumalabas din sa ilong ang milk kahit na nagpaburf na ako, ang advice ng PEDIA ko is 1st palitan ang tsupon na ginagamit kasi baka malakas ang tulo ng gatas, pinagamit nya sakin ay yung rubber nipples (yung brown tsupon) sa dami dami at ibat ibang tsupon nabili dito sa pinaka mura naging hiyang si baby at di na sya naglulungad . 2nd is pagpinapadede ko sya as in naka elivate ulo ni baby or much better na parang nakakandog/nakaupo si baby sayo . 3rd is 2oz lang din ang tinitimpla ko kay baby pero need din ng pahinga ni baby sa milk like 1-1/2 hr ko ulit sya papadedein maubos man nya or hindi ang milk, mas maganda kung makatulog si baby para nakapahinga ang tummy nya.. based on my experienced☺️☺️☺️

Magbasa pa
2y ago

about naman po sa breastmilk ang sabi po kasi ng Pedia is as long humingi ng milk si baby lalo na kapag Bf is okey lang after magpadede palagi po talaga ipaburp si baby at itayo muna atleast 20-30 mins.

Related Articles