tired of taking care of my baby
pagod na ako mag alaga sa baby ko 3 month old. gusto ko ba bumalik sa work. nafeel nyo rin ba to
pagod oo, pero kakayanin. lalo na sa case ko 2 years lang pagitan nila ng kuya nya. consideredbaby pa. kaya talgang napapagod ako.wala pa akong kasama sa bahay. mr. ko busy sa sarili nyang buhay. uuwi nlng kung matutulog. sobrang makalat pa dahil sa mga paninda nya sa mga pwesto nya. kahit paskot dis oras na syang umuwi. kung sa pagod physically pagod talaga pero ang mas nakakapagod is yong emotional torture noong feeling mo magisa ka lang may asawa ka nga di mo naman maasahan. so i decided to leave, bring my kids and go to my mothers home atleast dami kong kaagapay ngayon. (sisters, bro, nephews, niece, inlaws and ofcourse mom. bahala na mr ko kung ano gusto nyang gawin sa buhay nya.
Magbasa panapapagod ako pero di sa kakabantay sa anak ko kundi napapagod ako kasi ako nagpupuyat sa pag alaga ng anak ko samantalang papa niya straight ang tulog sa gabi panay computer at ml sa umaga iniiyak ko nalang yung galit at pagod at sakit ng katawan ko
May times po talaga na nakakapagod since meron din puyat na Kasama. First time mom po ako pero somehow I enjoyed my time Kay baby, honestly napakalaking tulong talaga ng support ni hubby sa journey na Ito that's why never naman ako nakaramdam ng pagod talaga.. Ine-enjoy ko nalang din yung time since mabilis talaga Ang araw darating Ang time na di na natin talaga makakarga si baby since malaki na sila minsan lng naman sila magiging baby kaya chine-cherish ko nlng din. I always take a picture of her kapag natutulog sya and it's all worth it. After this back to work na ulet and limited time nalang mabibigay natin sa mga anak natin so cherish nalang din natin lahat ng chance. ☺️
Magbasa pa. .Hindi po. . actually ine-enjoy ko ang pag aalaga sa aking baby😊 3 months old din sya ngayon. . ine-embrace ko ang bawat segundo,minuto,bawat oras na pag aalaga ko sa baby ko. .kasi mabilis na lumaki ngayon ang mga baby. . at pag dating ng araw baka hindi ko na magawa ang nagagawa kong pag lambing kay baby. . specially lalaki ang baby ko. . . .momshie. .if you feel tired, ganito lang gawin mo, una sa lahat, inom ka ng tubig. .then tignan mo ang iyong baby sa mga mata nya,sa bawat ngiti ng iyong baby pagmasdan mo ng maigi. .yakapin mo ang iyong baby. .at huminga ka ng malalim. .pwede ka din humingi ng tulong minsan kapag gusto mong mag nap,pra may bantay kay baby. .😊
Magbasa paBeing tired of taking care of our baby is valid. Pero sis maniwala ka sa sinasabi ng ibang mommies na enjoy it dahil minsan lang sila maging baby. My baby now is 9 months old and I already missed her being so little🥲. I also wanna go back to work pero kami lang kasi ng husband ko dahil nasa probinsiya mga pamilya namin so hands-on ako talaga sa baby ko. But as for me, I choose to be grateful everyday na nabigyan ako ng chance kasama baby ko 24/7 dahil hindi lahat ng ina may pagkakataon na ganyan. Napapagod din ako and that is valid but one thing's for sure I am gonna savor the moment na clingy pa baby ko sa akin dahil anytime soon magiging independent na siya.
Magbasa paMommy ako nga working habang nag aalaga ng 3 month old ko na LO. Nakakapagod talaga kasi pag out ko after two hours gising na sya at kailangan ko na din gumising. ako pa naglalaba ng mga damit namin, pinaghahanda ko pa ng pagkain si mister pati pambaon. ako nagtutupi ng damit. paligo sa lo ko ako din. hugas ng bote ako din. ligo ko matagal na yung 10 minutes. napapagod ba ako? oo tao lang ako ee. pero pag kinausap ko na anak ko, wala na. para bang full charge na ulit ako. napakabibo kasi ng anak ko. nakakapawi talaga ng pagod at puyat. HR pa trabaho ko so dagdag stress pa. pero laban lang.
Magbasa paOk lang mapagod Momsh, ipahinga mo lang. Normal lang yan lang na sa FTM, dahil nag aadjust pa tayo lalo na kung sanay tayo magtrabaho. Ramdam ko rin ang pagod lalo na sa madaling araw na kailangan mo gumising para padedehin siya, palitan ng diaper at patulugin ulit. Minsan may time na nauubusan ako ng pasensiya lalo na pag walang tigil sa kakaiyak. Nagdadasal ako at sinasabi ko "Lord palakasin niyo pa po ako, at pahabain pa ang patience ko (Titigan ko si baby) swerte ko Lord at binigyan mo ako ng napakagandang kahit medyo iyakin. Maraming Salamat Lord🙏 Momsh hindi lahat pinapalad magkaanak. Cherish every moment with your LO 😍 You are fully blessed.
Magbasa pamamsh cguro klngan mo lng ng konting break..first time mom ako,nanganak ako via emergency cs kc nag agaw buhay ako dahil sa severe pre eclampsia...after ko manganak ngkasakit ako sa puso until now,nggamot ako pra mkahinga ng normal.i cried a lot kc hnd ko pdeng ibreastfeed c baby kc bawal sa knya ung meds ko.wag mong sukuan c baby please..pde kitang damayan umiyak kc hnd naman tlga ang biro ang role nting mga mommy..mamimiz mo cla when they no longer need ur help.pg malaki n cla d mo n cla makakarga..minsan nga hnd mo na din mhagilap kc nasa galaan na yan pg mlalaki na.. from premature baby to now a 3months old healthy baby boy.. sending hugs mommy
Magbasa paAko naman gustong gusto ko lumaki anak ko sa pangangalaga ko lalot babae sya. Mahirap kasi ipagkatiwala pangangalaga ng anak sa ibang tao kahit pa sabihin sa kamag anak walang mag aalaga ng anak natin gaya pag aalaga ng ina mahirap din magtiwala yung iba nga kahit ka dugo pa nire-rape o ginagawan ng masama hirap lang sa situation ko, ako na gustong gusto ko mag alaga sa anak ko pero ramdam ko na gusto na ako magkatrabaho ng asawa ko para makatulong sa kanya sa mga bayarin. Di nya naman ako pinipilit na pwersahang pagtrabahuhin pero nararamdaman ko sa mga salita nya na kelangan nya na tulong ko para makapag save kami. Any advise po?
Magbasa paGanyan na ganyan nararamdaman ko mamsh.. sbe ko tlga pagod na ko.. ako lng kasi nag aalaga sa lo ko.. di na kaya ng mother k0 and yung mother in law ko nmn may alaga din isang apo.. sobrang nkakapagod tlga at minsan nsasabe ko na mag work nlng kaya ako ulit, pro sa twing tulog na si lo at pinagmamasdan ko sya, nawawala lht ng pagod ko.. lalo kpag ngumingiti sayo na pra bang sinasabi nyang mommy, iloveyou... Haaaay grabe.. nkakatunaw ng puso.. ilang oras lng na di ko ksma anak ko miss na miss ko na agad lalo pag naiimagine ko mga ngiti at hagikgik nya ngaung 4 mos na sya... Kaya ntn yan mamsh... 💪
Magbasa pa
Dreaming of becoming a parent