Ask lang po mga mii
Pag pwede na ba kumain si baby sasabihan ba ako ng pedia niya? Ituturo po ba kung ano mga pwede kainin ni baby? Sensya na po. Ftm po ako.
Yung pedia ng baby ko mii sinabihan kami na pwede na siya kumain pagtuntong nya ng 6 months and nagrecommend sya ng mga pwedeng ibigay for the meantime and kung ilang beses muna kakain sa isang araw. pwede ka naman mii magtanong sa pedia kung sakaling hindi nya mabanggit sa susunod nyong check up before mag 6months. 😊
Magbasa payes mommy usually pag malapit na like 5mos na si baby... pwede mo din iopen kay doc halimbawa sabihin mo "Doc kelan ko po pwede pakainin si baby? at ano pwede ko ipakain?" wala masama magtanong mii..
Yes po. Kami nung checkup nya before 6 months, andami bilin sakin ni pedia kasi FTM ako hehe. Kung ilang beses, kung gano kadami, kung ano papakainin hehe
Hi miii .. If ever naman na ndi ka masabihan ng pedia pwede ka naman magtanong usually sinasabi naman nila yan kasi aware naman sila na ftm tayo hehe .
samin mii inadvise kaming bumalik 1 week bago ang ika 6 months ni bebe ko para daw maGuide kami sa feeding nya. yung sched at type of food.
Yes po. pero pwedeng ikaw din ang magobserve kay baby mo sa mga signs. then if napansin mo, pwedeng magtanong ikaw mismo sa pedia nyo po.
Meron yung ibang pedia na hindi na i-explain sayo in details lalo kung di ka mgtatanong kaya as much as possible dapat magtatanong kayo.