34 Replies
baby ko 7months old, marunong na mangilala, yung mga matatanda or may edad na lalaki, naiyak siya pag nakikita niya. pero pag lagi na niya nakikita, panay nman ngiti niya.ginagawa ko pag natatakot siya at naiyak, pinapatahan ko muna bago ko dahan dahan iharap dun sa tao .. tapos parang pinapakilala ko yung tao na yun sa kanya, like "say hi to tito" or say hi to daddy .. tapos tititig lang siya dun sa tao. maya maya magpapabuhat na siya dun sa tao..nahihirapan lang ako sa baby ko pagdating sa feeding once iniwan ko siya sa iba, kasi ayaw talaga dumide sa bote pag iba nagpapadede sa kanya. dedede man siya like 2oz lang nauubos niya na dapat nka 7 or 8 siya.
at 6months-8mos nabubuhat sa iba ang baby ko Pero kelangan nakikita niya ako Pag wala ako sa tabi naiyak siya.. 9mos-10mos kelangan muna magplay play sila ng tao gusto siya buhatin habang Karga ko pa siya.. hindi siya nagpapabuhat hanggat hindi ako ang mag aabot Sakanya sa taong gusto siya buhatin. 10mos hanggang ngayon mag 1yo na jusko pahirapan.. sa akin lang lalo mundo niya😆 kahit sa daddy niya sumasama siya Pero Pag nakita ako sisigaw agad Mamaaaaaaaa tapos nakataas pa mga kamay
yung baby ko po 6mos na pero parang halos lahat naman ng bumati sa kanya nasama sya 🥲 tho sabi ng mga nakakatanda, pag daw mag 1yo+ na dun palang daw magiging shy si baby. Naaalala lang nya ko kapag gutom na. Pag iniwan ko sya sa parents ko to do some errands, pag uwi ko tska palang sya iiyak, dun palang yata nya marerealize na umalis ako at gutom na sya 🤣 pero kung sa main person nya, ako ung main second si mother. nasama sya sa iba pero pag tinoyo di nila kaya
yun baby ko ayaw nya mawala ako sa paningin nya, di rin sya sumasama sa ibang tao kahit sa mama ko. pero pag nandyan yun papa nya, gusto nya papa nya may karga sa kanya habang dumedede sya ng nakaupo. Basta busog sya at kasama nya papa nya di nya ako kailangan haha. kaka 8 months lang ni baby nun 23.
ako po ay isang malaking "mama cow" sa mata ng anak ko dede is life🤣 pero napapatulog ko naman sya pero kapag mother ko at husband ko kumarga at ng hele napaptulog nila agad..haha kapag ako ng tutukatok at ng boboxing muna kmeng mag ina 🤣 2 mos old palang si bebe ko
Para feeling ko malaking D3d3 ako sa paningin ng anak ko, pag pagod na kasi siya makipaglaro sa kahit na kanino, natakbo siya sakin habang nakanganga parang uhaw na uhaw, pero pag busog at anjan papa at lola niya, gusto niya umalis sa tabi ko😭 Btw 10months old na po siya. Baby girl.
5 months po si baby noong nag start siya umiyak pag kinakarga ng iba. Nakikipag laro siya, tawa at usap sa iba kahit kakakita niya lang pero once na binuhat na, iyak na siya. Okay na okay sa akin na ayaw niya sa iba. Ayaw ko din kasi siyang ipabuhat sa iba, praning na nanay ako eh🤣
3 months baby ko nakakakilala na nag rrespond sa mga voices na familiar sya at ayaw nya magpakarga sa ibang tao samin family lang. Ngayon 6 months na sya sinisimangutan naman nya hindi nya kilala tapos ngiti sya pag kilala nya iiyak sya pag ayaw nya samay karga sa kanya.
Yes po saken mga 5months nag start na sya humabol saken tapos nung nag 6months nababanggit na nya MA Akala ko pa nga nung una baka assuming pa lang ako hahahaa pero every time na nasa crib sya tinatawag nya ko pag may ginagawa ako tsaka pag nawawala ako sa paningin nya.
Kilala ako ng baby ko pag gutom na at gusto ng dumede. Pag naman inaantok na sya, ayaw na nya sakin iiyak na sya pag ako ang may karga sakanya kc si daddy hanap nya pag inaantok na sya. Si hubby ang nakakapag patulog sakanya 😅 she's 7 weeks old
DPSD