Philhealth

Pag ba nag apply ako ng philhealth mga mamsh, pag sinabi ko po doon na para sa panganganak ko gagamitin doon lang ako bibigyan ng form na pi-fill up-an ko? ano po ba yung MDR, tama ba? doon din ba makukuha yun? Sana po may sumagot.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

For WATGB po ang aapplyan niyo. Magdala na din po kayo nung mga proof na buntis kayo lile ulttasound report. Then bring 2400 Pesos na po kung wala pa po kayong nahulog or kung nag-stop po kayo sa paghulog para po maka-apply kayo. Sila po ang magbibigay nung hinahanap niyo.

6y ago

Salamat po sa pag sagot mamsh! ☺️

kumuha ka na ng MDR at form ihanda mo na yon bago ka manganak. Ang MDR ay listahan ng pwede makaavail sa philhealth membership mo.

6y ago

So ang MDR po pala ay yung magiging sakop ng makakagamit ng Philhealth ko mamsh? example po si baby ko, tama po ba?