breech baby

paano po yun 5 months going 6 months na baby ko pero suhi padin sya , ano po kaya pwede gawin?

62 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sakin po first ultra sound ko transverse sunod naging breech na bahala po ako kya gina gawa ko everynight bago matulog music lagay headset sa my bandng puson payo po un ng ob ko,, hahanapin po un ni baby susundan un ng ulo nya kaya mapupunta sa puson nyo ung head nya,, as of now po sa 3rd ultra sound ko cephalic n sya ,,thanks god

Magbasa pa
5y ago

Oo mamsh gawin mo po effective po tlga sya,,, tas ung higa nyo po lagi bndang kaliwa,

TapFluencer

That’s fine momshie. Sa first baby girl ko suhi until 6 months. Iikot pa yan, pls wag mo ipapahilot for me lang ha kasi hindi maganda ang hilot eh. Baka kung ano pa mangyari kay baby. Iikot pa yan momshie, wag kang mag-worry. Pagdating ng 8 months pwede mo syang ipa ultrasound para makita mo ulit posisyon ni baby. 🤗

Magbasa pa

May pinapagawa po na position para umikot ung baby. Usually di sinasabi ng OB un. Pero ung sonologist na friend namin ng husband ko ung nag advice smin nun and so far effective sya. 2 friend ko n ung gumawa nun since breech presentation din yng baby nila and fortunately umikot at naging cephalic.

5y ago

thanks po..

VIP Member

Same tayo sis, 5 months going 6 months na and naka breech position si baby. Sinabihan naman ako ng OB ko na iikot pa naman si baby kaya wag magworry. Sobrang likot lang talaga ng baby ko kasi 2 weeks ago naka cephalic position siya tapos 2 weeks later naka breech naman 😂

Depende momshie sa baby . Kasi ako 5months nag paultra breech hanggang sa nag 37weeks breech padin Kaya na emergency cs ako eh Sabi nila iikot pa patugtogan lang daw bandang puson pero hindi naman sya umikot nasa baby talaga siguro kung iikot talaga sya

5y ago

Pag i.e sakin bigla akong dinugo open cervix napala ako 2cm pero wala akong naramdman

34weeks na ko (8months) di pa sya naka pwesto umiikot ikot pa kasi. Too early pa, Baby ko sa 19wks and 23wks ultz ko naka cephalic na pero umikot pa until now di pa naka posisyon. Magpoposisyon din po sila pag malapit na manganak 😊

Masyado Pa kasi maaga sis.. 7mos to 8mos,, or 34weeks to 37weeks... Unang ultrasound ko last Sept 23 breech c baby.. Nag ultrasound uli ako last Wednesday sakto 36weeks.. naka posisyon na po sya.. 😊🤗 #ftm at 34yo

Iikot pa Yan sis..sakinnga 7months Susi padin pero ngaun 8months na ok na posisyon nya,patugtog Klang bandang pusonpra ssundan nya Yan,makikinig KC Nyan c baby,.kausapin m din sya palgi..

Wag po kayo mag alala 8 months o 9 months nasa tamang pwesto na po yan ganyan po ang akin sa ngayon 35 weeks na kong preggy nasa tamang pwesto na sya

Patugtugan mo lang siya ng sound sis ganyan din ako sa baby ko nung 6 months then siya na rin kusa nag ayos ngayon 9 months na tyan ko nakapwesto na siya

5y ago

opo ginagawa ko na po nag download na po ako ng mga nursery ryhme