10 Replies
If hindi naman po high risk pregnancy, pwedeng sa barangay health center ang check up. Nagbibigay rin sila ng vitamins for mommy. If high risk, better go to a private OB to ensure both mom and baby's safety. Ngayon pa lang, make sure na up to date ang payments niyo sa Philhealth (at least 9 mos before delivery ang paid). Eat healthy and drink lots of water para iwas sakit si mommy. Less salt (lalo if may history of hypertension) and less sugar (to prevent gestational diabetes). Pagakalabas ni baby, ensure na maganda ang latch niya sa dede ni mommy. That way, mas malaki ang chance na pure breastfeed si baby. Ang laking tipid niyan sa gatas. When it comes to baby stuff, hindi lahat kailangang brand new. Mabilis lumaki ang baby so don't buy too many clothes agad. Mistake ko ito. Ang daming pinagliitan ni baby ko, halos once lang nagamit tapos yung iba hindi pa. Kung second hand man, linisin or labhan lang ng mabuti. Sterilize kung kailangan. For vaccines, libre ang basic vaccines sa health center. Take advantage of that. Napakalaking tipid ng libre sa center as compared to around 3K per bakuna sa private. Same lang naman ang bakuna.
Hi daddy! Mas importante na maensure na maging healthy at safe si misis at si baby nyo. Para sa panganganak, make sure na updated ang philhealth nyo since malaki din ang mababawas sa philhealth. Mas makakamura if manonormal delivery ni misis ang baby so make sure na di masyado lalaki ang bata sa tyan pagpasok ng third trimester control na sya sa rice at pagpatak ng kabuwanan samahan mo sya sa morning walk para di din sya mahirapan manganak. As per check ups, kame kase free ang check ups namen since ninang namen sa kasal ang ob namen. Dala na lang kame ng food or kung anong madadala mo sa clinic. Madalas gulay ang bitbit namen 😅 make sure din na makakainum si misis ng mga vitamins nya kase makakatulong yun para maging healthy sila ni baby so no complications. Lagi naman ganun. Prevention is better than cure. Kaya invest in vitamins and healthy foods para makaiwas sa mga uti kase common yan sa buntis tsaka sa mataas na sugar prone din sa gestational diabetis ang buntis. At lastly, wag mo bibigyan ng stress si misis.. kase isa din yan sa nagcocause ng complications during pregnancy.
Sa health center po libre pati vitamins and labtest and kung gusto mo rin manganak doon wala ka ring babayarn pag may philhealth pero pag wala dito sa amin 3k nman bayad
Kung qualified naman po kayo pag manganganak na po si mommy, pwede po kayo mag-apply ng indigency po para wala na po kayong bayaran.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=721227504981155&id=620589261711647 How to apply for indigency or sponsored by Philhealth
health center po or if may HMO si hubby at dependent ka, hanap ka ng OB na tumatanggap ng HMO ng hubby mo
kung ngtitipid k poh pwd nmn poh sa brgy health center po libre lng. tska mkakatipid ka poh tlga don.
sa brngy health center free pero if risky or maselan pagbubuntis mo need mo mg private OB
Baranggay Health Center. Libre ang prenatal check up and vitamins.
Sa barangay health center po libre ang check up and vitamins. :)
lying in po donations or 50 per check up..
Anonymous