Paano po mabuntis

Paano po mabuntis 28 years Old na po ako halos 2yrs na po kami nagsasama ? pero hndi pa rin po kami nakakabuo

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

TTC din po ako mi, nagtatake ako nang folic acid (puritans pride) marami ako nakikita reviews sa tiktok na effective daw kaya bumili din ako. tapos bumili din ako Myra E dahil maganda daw kasi i partner nagtatake din ako gluta Aishi Tokyo recommended nang mga ttc yung mga supplements na yan mi try mo na din. tapos mag track ka nang ovulation mo sa Flo app tapos TTC mode, dun mo makikita yung predicton na fertile ka, sa mga days na yun dun kayo mag make love ni husband. and healthy living din mi i prepare mo yung katawan mo para sa pregnancy. kung mataba ka try to lose weight, and kung payat ka naman try to gain weight and si husband mo need nya din mag healthy living try mo sya pag stop sa sigarilyo kung naninigarilyo sya, and sa alak din kung umiinom. kung wala padin mi pacheck na kayo sa OB para mas makita kung ano talaga problema. kung wala naman problema sa matris mo pacheck mo din si husband mi baka low ang sperm count. i hope it helps po🤍

Magbasa pa
1y ago

and less stress mi, wag ka pa stress kung di pa kayo nakakabuo. Isaiah 60:22 "When the time is right, I THE LORD will make it happen”. goodluck mi magtiwala lang tayo sa plano ni lord!🙏🏻 BABYDUST SAYO!✨👶🏻

try mo po iprepare muna mii ang katawan mo, ikundisyon mo. nagtake ako folic acid (foladin) 1 month bago pa namin itry ni hubby magconceive saka anmum. naghealthy living ako gulay complete sleep stress free. tpos si hubby pinag take ko rn ng rogin E. then every other day ang pag "do". di dpat everyday dpat may time si hubby na mrecharge rn sya. after mens ko nagstart na kami ng every other day. pwde ka rn kumain ng mga aprodisiac pampagana bago nyo gawin like chocolates. tapos pag penetration na, stay po muna sa loob mo ng atleast 10secs bago ilabas ni hubby mo para sure na andon sa loob tlga. tpos yung dog style po ang pinaka mas mataas na percentage na makabuntis. mas ok if wla rn bisyo both. factor prn kc tlga un. lalo na yosi. goodluck miiiii wishing u baby dust.

Magbasa pa
VIP Member

Pa alaga po kayo sa OB tsaka minsan factor din po kasi yung bloodtype nyo mas asawa, tsaka ako gnawa ko dati tapos makipag do nilalagyan ko unan pwetan ko tsaka inaangat ko paa ko sinasandal ko sa pader mga 10-20 minutes. Folic Acid and wag pa stress. In God's perfect time po.

Hindi lang dapat ikaw ang healthy, pati partner mo dapat healthy din. Sa case namin ganyan din, years na kaming magkasama hindi makabuo buo. Nung nagpahinga sa work partner ko dun kami nakabuo. So dapat may maayos na pahinga and less stress din partner mo.

Paalaga kayo Kay OB . tsaka baka mamaya stress ka ! Magpahinga kau ni hubby mo baka parehas kayo pagod . Mag DO kayo pag ovulation mo na at ipaready mo si Mr . that day . Inom ka folic acid every morning after meal .

Thank you po sa payo pareho naman po kami walang bisyo.. baka po siguro sa stress sa work parehas po kasi na wowork almost 2yrs din po nag work together lagi pa po kami over time but now 1month po ako pahinga .. sa work

Related Articles