Paano po ba paliliguin ang newborn?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

So ang ginawa namin nung maliit a yung anak ko, mag prepare ka ng tubig na hindi malamig, hindi mainit, at hindi rin maligamgam. Yung parang galing sa gripo lang, yan yung tinatawag na pinapatay yung lamig. ihiga mo yung baby sa buong braso na hawak mo yung ulo tas yung pwet ay malapit sa siko. Ang ipang salok mo ng tubig ay ang kamay mo at idampi mo sa katawan ng bata na dahan dahan lang. Wag muna sa muka kase baka malunod. Tas yung sabon dapat hypo ellergenic, konti lang para lang bumango yung katawan at hindi masyadong magka rashes.Tas yung pagpapatuyo e dahan dahan lang din, parang dampi dampi lang. Ito yung nakasanayan namin na ok naman kase 1 year old na yung anak ko e. Panigurado na may iba pang way na effective din. Pero itong nabanggit ko ay based on experience.

Magbasa pa