Naiinip si Baby

Paano niyo nililibang ang 1 year old babies niyo? Nakakanuod kasi siya ng videos sa youtube at sa tv. Binabawasan ko na din kasi ngayon ang paggamit niya ng gadgets, nag-aalala ako sa mata niya pati sa development niya. Medyo nagiging bugnutin kasi madalas, kaya oobserbahan ko siya at maghahanap ng ibang pwede niyang pagkalibangan. Note: May kapatid siyang mas bata sa kanya, isang taon lang ang pagitan (newborn), kaya medyo tinatancha ko pa ang pagbabalanse ng oras ko sa kanila. Nasa phase din kasi siya ngayon ng "pagseselos". Salamat.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same situation po tayo. 1yr old at 1 month old. Sa una lang ako nahirapan dahil don sya nagselos sa kapatid nya. Mas naging clingy kasi sya sakin na hindi naman nya ginagawa dati. Makatatay kasi sya non. Pero ngayon mas nakadikit sakin. Time. Parehas silang may oras sakin. And since takot naman sakin si 1yr old hindi ako nahirapan mapasunod sya. Marunong na kasi syang maglarong mag isa bago pa dumating si baby. Hindi sya palagadget. Kung makahawak man sya palagi akong nasa tabi nya at may oras ang paggamit. Marunong maglibang mag isa si 1yr old. Basta may model lang syang nakikita.

Magbasa pa

Educational toys and books na makukulay mommy :) tapos patugtog kayo nursery rhymes good for newborns din :)

5y ago

Thank you ☺️