Panliligaw ni hubby

Paano mo sinagot ng "Oo" si mister noong nanliligaw siya sa'yo?

Panliligaw ni hubby
89 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ko alam kung paano haha kasi 17 yrs. old ako nung nagkakilala kami tapos nung nag 18 ako, dun sya nagconfess na gusto nya ako. Naging magka.MU kami for 2 yrs. Naging official gf-bf nung 20 na ako pero ilang months lang after ko gumraduate ng college, nagpakasal din agad kami. 21 na ako nung ikinasal sa kanya, sya 25. Ang ibang kamag anak ko, tutol pa kasi nga ang bata ko pa at kakagraduate lang nun pero todo support naman mga parents ko sa desisyon namin kasi nakikita naman na responsable ang asawa ko at may stable na trabaho din. Pareha kaming nakatapos pero sya palang ang nagtatrabaho kasi mas gusto ko full time mom muna sa mga babies namin. Ngayon, mag 3 yrs. na kami. may anak na din kami na 1 yr. and 6 months old at may isa pang parating. ❤️❤️

Magbasa pa