Nakakasakal na ba?

Paano malalaman kung nasasakal na ang partner mo sa iyo? Paano malalaman kung toxic kana sa relasyon nyo?

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I think kung hindi kana mafunction normally as a human being dahil sa kanya. Dipendi po ano ba sitwasyon? May naging boyfriend ako during my college na super toxic niya jusko halos malunod ako sa pagmamahal niya, super clingy siya gusto lahat ng oras nasa kanya, bawal ako makipagkaibigan lalo na kung lalaki kahit classmate, bawal ako lumabas kasama friends gusto niya siya lang kasama ko lage, yung fb ko halos lahat ng guy friend ko e unfriend/block niya umabot sa point na pinalitan niya fb password ko dun ako sumabog napaka possessive niya 😂 Sa mag asawa nman wala ako masyado maisip kasi ok nman kami ng hubby ko. Siguro yung palagi nagseselos/palagi naghihinala, hindi pinapayagan lumabas with friends, lahat ng maliit na bagay pinapalaki, lahat ng issue paulit-ulit inuungkat or paulit-ulit ginagawa ang isang mali. Malalaman mong toxic na kung palagi nalang kayo nag-aaway kahit maliit na bagay at hindi na kayo nag grow as a couple .

Magbasa pa

Para sa akin, it is when one can no longer be true to themselves in the relationship. Yung tipo bang kapag hindi na nya magawa yung mga gusto nya gawin, o kailangan na nya iedit yung behavior/ reaction nya para lang iplease ka... Yung more on lungkot o takot ang lagi nyang nararamdaman kapag magkasama kayo, sa halip na kampante at saya...

Magbasa pa

kapag wala ng privacy ang bawat isa. kapag wala ng trust sa bawat isa kapag wala ng mabuting pag babago sa relasyon nyo. kapag full of doubts ka na.. kapag mataas ang insecurity mo. kapag negative lahat ng pumapasok sa isip mo. at kapag walang growth ang relationship nyo.

Magbasa pa
2y ago

okay lang yan momsh lahat naman nagbabago.. lahat mag iimprove in time. 😊🤗

remember na kahit couple kayo ay may kanya kanya parin kayong buhay. need nyo mag grow individually at kailangan minsan ng space

pag nagtatanong ka na po ng ganyan usually may pinagmumulan bakit bigla mo maiisip na nasa toxic relationship ka

2y ago

change ur bad habits. its never too late to change

pag di ka pinapagala at gusto lagi kang nasa bahay at gusto lamang ay sya