Leave and Cleave

Paano kung ayaw humiwalay ng asawa (Lalake) sa magulang nya? nakikitira lang kame dito sa magulang nya at nahihirapan na ko, pero tuwing sasabihin bumukod kame ayaw nya at galit sya, wala daw sya pera at dahil ayaw nya mahirapan at gusto nya may lahati sa gastos kapag nandito sa magulang nya? Anu po magandang gawin bilang isang nanay? Wala po ako trabaho kaya hindi ako maka hiwalay para makapag apartment ng sarili kasama ng anak ko, ang sabe ng asawa ko mag trabaho ako ng makalayas ako kaso paano mag tra trabaho wala po mag aalaga sa bata? #pleasehelp #LeaveandCleave

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same po. ayaw humiwalay ng asawa kosa mama niya. hindi kami makaipon para sa panganganak ko dahil laging umuutang saamin Yung mother niya. ok lang sana humiram sila kaso Ang akin lang naman wag naman sana lagi ung halos pati alkansya namin bubuksan may maipautang lang sakanila. alam nila na manganganak ako kailangan namin maka ipon. kapag hindi kami nag papautang, sinasabi niya ung nagastos niya nung kasal namin Tama ba yun??. Sabi kosa asawa ko sa side ko nalang kami at dun may sarili kaming bahay na matutuluyan pero ayaw niya. ano kaya dapat Kong gawin, nahihirapan nadin ako at wala kami maipon kapapautang, wala padin gamit Ang baby namin🀦

Magbasa pa
2y ago

Meron kanpo babalikan na family mo, kung ayaw nya umalis jan, ikaw nalang po sigiro umuwi sainyo, tutulungan ka ng family mo, kung umuwi ka mag isa baka ma realize ng partner mo na mas maganda nanjan kayo sa family mo dahil may sarili kayo bahay jan, kesa jan uubusin ng byenan nyo ipon nyo, paano pa pag labas ng bata mas marame gastos, Ako kasi wala na ko babalikan pamilya, kaya siguro bumalik ka na sainyo atleast nanjan ang family mo, may makakatulong pa at may mag aalaga sainyo mag ina pagkapanganak mo